June 26, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Papuri Sa Diyos Na Hari

Today's Verses: Psalm 99:1–3 (ASND)

1Naghahari ang Panginoon at nakaupo sa gitna ng mga kerubin. Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot at ang mundoʼy nayayanig. 2Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion, dinadakila siya sa lahat ng bansa. 3Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang. Siya ay banal!


Read Psalm 99

Tanggap mo ba na ang Diyos ay Hari?


Ang Psalm 99 ay isa pang awit tungkol sa pagiging hari ng Diyos. Ang Psalm 99 ay naisulat nung panahon na wala nang hari ang ang Israel. Sila ay nasakop na mga dayuhan at sila ay pinaghaharian ng mga ito. Ang Israel ay walang laya at nakakaranas madalas ng kawalan ng hustisya. Bagamat wala silang hari at silay nasakop ng mga dayuhan sa sarili nilang bansa, malaking daloy ng pag-asa para sa mga Israelita na sila’y may Diyos na naghahari. Ang mga bansa ay luluhod at sasamba sa Diyos, dahil si Yahweh ay Hari. Ang mga bansa ay nanginginig sa Diyos, dahil si Yahweh ay Hari. Ang Diyos ay Hari.


Papuri sa Diyos na Hari! Anuman ang sitwasyon, kaguluhan, o problema na nangyayari sa iyo, ang pagiging hari ng Diyos ay totoo pa rin. Karapat dapat Siyang purihin. Maniwala man tayo o hindi, ang Diyos ay hari sa buong mundo. Kung feeling natin na imposibleng naghahari ang Diyos sa dami ng mga namamayaning kasamaan, tayo ay nagkakamali. Madalas man natin naiisip o naitatanong na ‘totoo bang naghahari ang Diyos?’ e andami kong suliranin. Ang katotohanan na ang Diyos ay hari  ay mananatili. Ang mga tao na pinagharian ng Diyos ay mga pinagpala at mga nagtagumpay sa buhay. Ang mga nagpapasakop at mga sumusunod sa Diyos na hari ay mga sumamba at naglingkod sa Kanya dahil Siya’y Hari!


Purihin mo ang Diyos feel mo man o hindi mo feel. Ito ay mainam na desisyon. Aralin ang mga buhay ng mga taong kinilalang hari ang Diyos. May karunungan tayong mapupulot. Dakilain ang Diyos dahil sa Kanyang katarungan, Kanyang kapangyarihan, at Kanyang paghatol. Sambahin ang Hari sa Kanyang kabanalan.

Panalangin:

Purihin Ka, aking Diyos Ama. Ikaw ang aking Hari. Ikaw ay dakila. Sinasamba kita. Turuan mo akong maging masunurin sa Iyong kalooban. Mahayag ka sa aking buhay. 

Maraming salamat sa Iyong pagkalinga at sa Iyong pag-iingat sa akin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions