July 11, 2024 | Thursday 

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Pakikipagtipan Sa Diyos

Today's Verses: Psalm 105:7–9 (ASND)

7Siya ang Panginoon na ating Dios, siya ang humahatol sa buong mundo. 8Hindi siya makakalimot sa kanyang pangako kailanman – ang kanyang pangako para sa maraming salinlahi 9– ang pangako niya kay Abraham, gayon din kay Isaac.


Read Psalm 105

Naaalala kaya ng Diyos ang pangako Niya sa iyo?


Ang Psalm 105 ay pagpaparangal sa matagal na panahong katapatan ng Diyos sa Israel. Ayon sa manunulat, sa matagal na panahon napatunayan ng Diyos ang Kanyang katapatan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na gawin ang mga dakilang mga bagay. Kaya, inilahad sa awitin ang pasasalamat ng manunulat dahil tinupad ng DIyos ang Kanyang mga pangako. Ang pangako ng Diyos ay ang Kanyang pakikipagtipan sabayan ng Israel.


Ang Diyos kailanman ay siguradong tapat. Ito ay totoo noon hanggang ngayon. Maniwala man tayo o hind, totoong tapat ang Diyos. Kapag nangako ang Diyos, Kanya itong tutupdin – lalo na kung tayo’y nakipagtipan na sa Kanya. Ang makipagtipan sa Diyos ay ang magkaroon ng kasunduan sa pagitan natin at ng ng Diyos. Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay kung may pangako na dapat tuparin ang Diyos sa atin. Maraming tao ay ipinagpalagay agad na katipan na nila ang Diyos. Maaari, pero ito ay sa pinakamababaw na dahilan lamang na ang Diyos ang lumikha sa tao. Ngunit, ito ang katotohanan: May mas malalim na pakikipagtipan ang Diyos. Base sa New Testament, may mas malalim na pakikipag tipan ang Diyos kung sa ating buong kamalayan ay nagsisisi tayo sa ating kasalanan at tinanggap si Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon. Ang bunga ng ganitong pananampalataya ay magkakaloob ang Diyos sa ating ng kakayanan na sumunod sa Kanya. Ang pananampalataya na ito at ang  may kasamang lumalagong pagsunod sa Diyos na nagbubunga ng dumaraming miracles sa pag-usad ng panahon. Sa ganitong proseso, ang katapatan ng Diyos ay Kanyang mas naipapakita sa simple o di kaya’y sa makapangyarihang galawan ng Panginoon.


Ihanda ang iyong sarili na mas maranasan ang katapatan ng Diyos. Manampalataya at maging malaya na tumugon sa Diyos ng may pagsunod. Magpatuloy. Huwag susuko. Kilalanin ang boses ng Diyos. Mas pakinggan ang Diyos kesa sa boses ng mundo, ng diablo, o ng sarili. Antabayanan palagi na ang sukdulang biyaya ng Diyos ay mas maranasan araw-araw. Walang malaking problema sa Diyos. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ikaw ay tapat. Tinatanggap ko ang pakikipagtipan sa Iyo. Turuan mo akong sumunod sa Iyo. Gusto ko na lalong humanga sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Deuteronomy 23-24

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions