July 3, 2024 | Wednesday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Inilalayo Sa Mga Kasalanan
Today's Verses:Psalm 103:11–12 (ASND)
11Dahil kung gaano man kalaki ang agwat ng langit sa lupa, ganoon din kalaki ang pag-ibig ng Dios sa mga may takot sa kanya. 12Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan.
Read Psalm 103
Natanggap mo na ba ang kadakilaan ng pagpapatawad ng Diyos?
Ang Psalm 103 ay isa na namang awit na isinulat ni Haring David. Ang awit na ito ay puno ng pagpupuri sa Diyos na Hari. Ramdam ang kagalakan ni Haring David sa mga talata. Punong-puno din ang awit ng katotohanan na hatid ay pagpapala at pagpapalaya mula sa mahabagin at mapagmahal na Diyos. Malinaw na ang Diyos ay nagpapatawad.
Ang matanggap natin ang pagpapatawad ng Diyos ay dakilang karanasan. Maaaring hindi pa ito lubos na nauunawaan ng maraming tao. Maaring ito ay hindi pa nabibigyang pansin. HIndi simple ang kailangang gawin ng Diyos para tayo ay mapatawad sa ating kasalanan. Ang pagpapatawad ng Diyos ay espesyal. Ito ay dapat ipagdiwang. Ito ay pwede lamang matanggap sa pamamagitan ni Jesus. Kung hindi pa natin ipinagdiriwang ng nararapat ang pagpapatawad ng Diyos, kung kapos pa ang ating unawa sa kadakilaan ng pagmamahal at pagpapatawad ng Diyos, at kung hindi pa nangungusap ng malaliman sa atin na nagpapatawad ang Diyos, may kulang pa sa ating buhay. Ang pagpapatawad ng Diyos ay pagpapala ng Diyos sa mga lumalapit ng may pagpapakumbaba. Ang pagpapatawad ng Diyos ay katotohanang nagbabago ng buhay ng dating makasalanan. Ang pagpapatawad ng Diyos ay dapat i-celebrate ng may masigabong na pagpupuri. How I wish na mas maraming Kristiyano ang makatanggap, makaunawa, at matamasa ang napakasarap na kalayaan dulot ng pagpapatawad ng Diyos.
Tanggapin ang pagpapatawad ng Diyos. Ramdamin ang katotohanan ng available ang kapatawaran sa taong napagpakumbaba. Umangat araw-araw sa pag-appreciate sa kapatawaran ng Diyos. Hindi pa natin lubos na unawa ang pagpapalang hatid sa tuwing nagpapakumbabang lumalapit sa Diyos na mahabagin at mapagpatawad.
Panalangin:
Mapagpatawad ka aking Diyos Ama. Hindi ka mabilis magalit. Sambahin ka lalo ngayong naipapaunawa Mo sa amin ang lalim ng pag-ibig at ng pagpapatawad Mo.
Salamat po. Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang pagpapatawad ng Diyos?
Paano mas matatamasa ang pagpapatawad ng Diyos?
May mga tao ka pa bang hindi napapatawad? Ano ang hadlang?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions