July 2 , 2024 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Ang Habag Ng Diyos
Today's Verses: Psalm 102:12-13 (ASND)
12 Ngunit kayo Panginoon ay naghahari magpakailanman; at hindi kayo makakalimutan sa lahat ng salinlahi. 13 Handa na kayong kahabagan ang Zion, dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya.
Read Psalm 102
Nais mo bang maranasanan ang habag ng Diyos?
Ang manunulat ng Psalm 102 ay dumanas ng mga pasakit. Nakaramdam siya na gusto niya nang mag-give up. Hindi kaila sa kanya na ramdam ng kanyang emosyon ang parang pananahimik ng Diyos. Siya ay may lungkot. Minsan ramdam niya rin ang bunga ng kanyang pagsuway. Dahil sa kanyang mga pagsuway, naramdaman din niya ang galit ng Diyos. Kaya, sa kanyang pagpapakumbaba sa Diyos ay natanggap niya ang habag ng Diyos. Si Yahweh ay Hari na mahabagin sa kanyang bayan.
Ang habag ng Diyos ay nariyan palagi. Ang Diyos ay tunay na maawain. Pinaparamdam Niya ang Kanyang habag sa mga tao. Ngunit may mga pagkakataon na kabaligtaran ang ating nararanasan. Imbis na habag ng Diyos, ang nararamdaman natin ay kaguluhan at kalungkutan. Ang mga pakiramdam na ito kapag madalas na ay parang give up na tayo. Alam natin na hindi dapat mag-give up. Pero malakas ang tulak ng emosyon na mag-give up na. Sa ganitong panahon hindi natin ramdam ang habag ng Diyos. Sa ganitong panahon may dapat na maunawaan dahil may pag-ugali na malamang na humaharang. Anong pag-uugali kaya ito? May importanteng payo para sa mga taong nagnanais na maranasan ang habag ng Diyos.
Dahil nagpatuloy ka sa pagbabasa, narito ang payo para maranasan ang habag ng Diyos: Una, ilapit ang sarili sa kalooban ng Diyos. Sayang ang panahon sa panananitili sa pride mo. Huwag ilalayo ang sarili mo sa kalooban ng Diyos. Sunod, isuko ang prode. Ang ‘pride’ o kayabangan ay nagdudulot sa tao ng ugaling hindi natuturuan. Ang ‘pride’ ang siguradong maglalayo sa atin para maranasan ang habag ng Diyos. Sa dami ng problema sa paligid, may kinalaman ka man o wala, ikaw ay pwde pa ring maapektuhan. Pride ang pinaka malalang problema sa mundo. Dahil sa kayabangan dumarami ang problema at nanganganak ang mga kasalanan. Kaya magpapakumbaba tayo sa Diyos. Magpapakumbaba din tayo sa ating kapwa. Iparanas at iparamdam natin ang habag ng Diyos sa ating kapwa.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, inilalapit ko ang aking sarili sa Iyo. Ako’y nagpapakumbaba. Isinusuko ko sa Iyo ang aking kayabangan. Ako’y Iyong kahabagan. Nawa ay maging daluyan ako ng Iyong habag sa aking kapwa tao.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang dahilan bakit hindi nararanasan ang habag ng Diyos?
Paano iparanas sa kapwa tao ang habag ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions