September 19, 2024 | Thursday 

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Pagkilala Sa Presensya Ng Diyos Ng May Katapatan

Today's Verses:  Psalm 132:8–9 (ASND)

8Sige na po Panginoon, pumunta na kayo sa inyong templo kasama ng Kaban ng Kasunduan na sagisag ng inyong kapangyarihan. 9Sanaʼy palaging mamuhay ng matuwid ang inyong mga pari, at umawit nang may kagalakan ang inyong mga tapat na mamamayan.


Read Psalm 132

Nararamdaman mo ba ang katapatan ng Diyos kaya nagiging tapat ka sa Kanya?


Sa Psalm 132, mula sa pananaw ni David, binibigyang-diin niya ang pagnanais ng Diyos na manirahan sa Sion. Sa mga talatang 8–9, hinihimok ang mga pari na magbihis ng katuwiran upang pagpapakita ng kanilang katapatan sa Diyos. Para kay David, ang pananampalataya at pagkilos ng mga pari ay susi upang maranasan ng bayan ang presensya ng Diyos, na nagdadala ng kasiyahan at kasaganaan.


May pananaw tungkol sa katapatan sa Diyos na kailangan nating bigyang pansin. Mahalaga ang usapin tungkol sa katapatan sa Diyos. Ang katapatan na ito ay hindi ordinaryo; ito ay nakaugat sa mga aral ng Bibliya at malayo sa karaniwang pagkaunawa. Kapag pinagtuunan natin ito ng masusing pansin, makakamtan natin ang kalayaan at kapayapaan. Ang usapin ng katapatan, lalo na sa konteksto ng mga ‘covenants’, ay tungkol sa relasyon sa Diyos. May malalim na naisin ang Diyos na makipagniig sa Kanyang mga nilikha, lalo na sa mga mananampalataya. Ang katapatan ng lumalagong Kristiyano, na binanggit sa Psalm 132, ay mahalaga. Para sa mga naniniwalang anak ng Diyos, may matinding tawag na maging tapat sa Kanya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Dapat patunayan ang katapatan sa Diyos, at nandiyan ang Banal na Espiritu upang tayo’y palakasin sa mga pagsubok at mamuhay ng may katapatan sa Kanya.


Suriin ang iyong ugnayan sa Diyos at palalimin ang iyong katapatan sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng Bibliya. Ipakita ang iyong katapatan sa pamamagitan ng mga gawa, tumulong sa kapwa, at maging matapat sa iyong mga responsibilidad upang magbigay ng inspirasyon sa iba. Tanggapin ang tulong ng Banal na Espiritu sa mga hamon at pagsubok, maglaan ng panahon para sa pagninilay, humingi ng gabay upang mapanatili ang iyong katapatan sa Diyos, at magpakatatag at maging halimbawa ng pananampalataya sa iyong komunidad. Kahit sa kabila ng mga pagsubok sa buhay isapuso at isagawa ang katapatan mo sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, buksan Mo ang aking isipan sa tunay na katapatan. Turuan Mo akong lumalim sa aming relasyon at ipakita ang aking pananampalataya sa aking mga gawa. Tulungan ako ng Banal na Espiritu sa bawat pagsubok.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Samuel 19-20

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions