August 7, 2024 | Wednesday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Ang Diyos Ay Tagapagligtas
Today's Verses: Psalm 118:14,24 (ASND)
14Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin. 24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon, kaya tayoʼy magalak at magdiwang.
Read Psalm 118
Meron bang ibang Diyos na maaaring natin maging Tagapaglitas?
Sa Psalm 118 ay naglalaman ng pasasalamat at pag-asa sa Diyos. Nabibigyan diin dito ang mabuting pagkakalinga at walang kondisyong pag-ibig ng Diyos. Ang mga verses ay pumupuri sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok at mga kalaban. Pinaliliwanag din ang halaga ng pagtitiwala sa Panginoon. Anuman ang pag-atake ng mga kaaway, may tiwala ang manunulat sa tagumpay na ibibigay ng Diyos.
May mensahe ng pag-asa para sa atin mula sa Diyos. Ang pag-asa na ito ay ang pagkalinga ng Diyos at ang papel Niya bilang Tagapagligtas. Ang Diyos bilang ating Tagapagligtas ay nangangahulugang Siya ang nagbibigay ng kakayahan at ng pamamaraan upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok at kahirapan sa buhay. May kaguluhan man, ang Diyos ay ating sandigan. Kahit sa mga panahon na nakakawala ng pag-asa, ang Diyos ay nariyan para tayo ay akapin. Ang Diyos ay personal na Diyos. Kilala Niya tayo. Kaya Niyang magbigay sa atin ng kapanatagan. Alam Niya ngayon ang iyong sitwasyon sa buhay. Alam Niya na nangangailangan ka ng Tagapagligtas.Ang mga hinirang at tapat na mga tagasunod ni Jesus ay mararanasan pagliligtas ng Diyos.
Magtiwala sa Diyos bilang Iyong Tagapagligtas na nagbibigay ng lakas at paraan upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay. Huwag mawalan ng pag-asa, kundi humingi ng tulong sa Kanya upang makahanap ng solusyon. Dagdagan pa, manatiling nananalig sa Diyos kahit sa panahon ng kaguluhan. Hanapin ang kapanatagan sa presensya ng Diyos.
Taglayin ang pag-asa. Alalahanin mong ang Diyos sa mga sandaling tila nawawala ka na ng pag-asa. Nariyan Siya upang akapin ka at magbigay ng pag-asa. Huwag kalimutan na Siya ang nagbibigay ng tunay na liwanag ng pag-asa kahit sa mga madilim na pagkakataon. Kaya, antabayanan mo ang pagliligtas ni Jesus. Buksan ang iyong puso galawan ng Diyos. Tayo’y magpakumbaba at aminin ang pangangailangan natin sa Panginoong Jesus bilang ating Tagapagligtas.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, sa mga oras na nawawala ang pag-asa, ipaalala Mo sa amin na Ikaw ang tunay na liwanag at pag-asa. Yakapin Mo kami at buksan ang aming puso sa Iyong galawan. Nagpakumbaba kami at uma-amin kami ng aming pangangailangan sa Iyo.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Kailan tila nawawala ang iyong pag-asa?
Ano ang mga praktikal na hakbang na maaari mong gawin upang mapanatili ang pag-asa at kapanatagan sa presensya ng Diyos?
Paano mo maiaangkop ang tiwala sa Diyos bilang Tagapagligtas sa iyong sitwasyon?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions