April 15, 2024 | Monday 

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Naranasan Hindi Lamang Nabalitaan

Today's Verses: Psalm 48:8 (ASND)

Noon, nabalitaan natin ang ginawa ng ating Dios, pero ngayon, tayo mismo ang nakakita sa ginawa niya sa kanyang bayan. Siya ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan, at patatatagin niya ang kanyang bayan magpakailanman.


Read Psalm 48

Ang maranasan ang pag-ibig ng Diyos ay iba kumpara sa nabalitaan lang.


Ang Psalm chapter 48 ay awit ng papuri para sa kadakilaan ng Diyos. Ang awitin na ito ay naglalarawan ng kadakilaan ng luklukan ng Diyos. Nagpapahayag din ang Psalm 48 ng kapangyarihan ng Diyos na hinahangaan ng mga hari. Maging ang kalikasan ay sumusunod. Ngunit hindi lang dakila ang Diyos o makapangyarihan ang Diyos, Siya din ay Diyos na mapagmahal. Ang isipin ang pag-ibig na ito ng Diyos ay nagtuturo sa mang-aawit na masiglang magpuri sa Diyos. Hindi niya lamang nabalitaan ang mga mabuting gawa ng Diyos. Kundi naranasan din nila ang mabuting gawa ng Diyos.


May hatid na kakaibang galak ang maranasan ang Diyos sa ating buhay. Iba ng feeling na pinag-uusapan ang mabuting gawa ng Diyos. Mas kakaibang galak kapag nararanasan natin ang Diyos at ang kanyang gawa. Kay sayang ipagmamalaki ang Diyos dahil may siglang hatid ito sa buhay natin. Ang ating pananalita at pamumuhay ay nagbabago kapag tayo ay andon sa punto na ang nababasa natin sa Bible ay nararanasan na natin. Lalo tayong pinahahanga ng Diyos. Lalong abot kamay ang mga himala ng Diyos. Ang breakthroughs o pambihirang tagumpay ay mga nangyayari. At higit sa lahat, ang supernatural ay nagiging natural! Purihin ang Diyos sa ganitong klaseng karanasan! 


Hilingin sa Diyos na ilagak ka sa kalalagayan na mas maranasan mo ang Diyos at ang kanyang kabutiha’t kapangyarihan. Hindi ka ‘hopeless case’ bagkus ikaw ay ‘work in progress’. Kaya ituon ang iyong focus sa Diyos at sa Kanyang Salita. Punuin mo ang iyong isipan at damdamin ng paghanga sa Diyos. Purihin natin Siya ng mas madalas at mas may emosyon. Ibaling natin ang ating atensiyon sa Magandang Balita o Gospel ni Jesus Christ. Gawin mo ito ng matapat. Siguradong sasamba ka at maglilingkod sa Diyos ng ayon sa Kanyang kapangyarihan.

Panalangin:

Kahanga-hanga at kapuri-puri Ka, aking Diyos Ama. Tinawag Mo ako at binigyan ng layunin ang aking buhay. Nag-alay Ka pa ng buhay ng Iyong anak na si Jesus. Kaya lalo kaming mananlig sa Iyo. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Exodus 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions