April 13, 2024 | Saturday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Ang Diyos Ay Hari Ng Lahat Ng Bansa
Today's Verses: Psalm 47:2,7 (ASND)
2 Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; siya'y naghahari sa sangkatauhan. 7 Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita't purihin ng mga nilikha!
Read Psalm 47
Ang Diyos ay hari at Siya ay naghahari sa lahat ng bansa.
Hindi malaking palaisipan sa manunulat ng Psalm chapter 47 na ang Diyos na si Yahweh ay hari. Hindi lamang siya hari, kundi siya ay hari ng lahat ng bansa. Alam ng manunulat nung panahon niya na may hari sa Israel. Alam din niya na may hari din ang mga karatig bansa. Pero kumbinsido sila na ang Diyos ang pinakahari bagamat may mga actual na hari.
Nakakamangha ang katotohanan na ang Diyos ay hari ng mga hari. Ordinaryo na sa ating kaisipan na may mga political leaders ang mga bansa. Alam natin na may mga sistema at batas ang mga bansa. Sinusunod man iyun o hindi, may mga leaders na nagtataguyod. Dito ay nakapaloob na ang mga mamamayan ay sakop ng nasabing sistema o batas. Sa ganitong konteksto, ang Diyos ay hari ng mga hari. Ito ay ang katotohanan. Sa kapangyanrihan ng Diyos ay umiinog ang mundo. Kinikilalala man o hindi ng tao, may kakayanan ang leaders na mamuno dahil ito ay niloob ng Diyos. Ang lahat ng pangyayari sa paligid natin ay nangyayari dahil may Diyos na hari at siya’y naghahari ng may, pag-ibig, may kabutihan, at may katuwiran. Pinapayagan Niya tayong mamuhay ayon sa ating ‘free will’. Kung tayo ay nananampalataya sa Diyos, mas mapapahalagahan natin ito. Kung ikaw ay isa sa mga lumalagong kristiyano, malamang ay mas mamamangha ka sa pambihirang katotohanan na ito.
Ating pag-isipan at ilagay sa konteksto ng ating buhay na ang Diyos ay hari ng lahat ng bansa. Siya ay Hari at siya ay naghahari. Paganahin natin ang ating pananampalataya na bagaman maraming problema at hindi mabubuting pangyayari ay hindi ibig sabihin na hindi na hari ang Diyos. Isipin na dahil sa pag-ibig ng Diyos na Hari, tayo ay nabubuhay at nakakapamuhay. Purihin ang ating Diyos na Hari!
Panalangin:
Diyos Ama, ikaw ay Hari ng lahat ng bansa. Tulungan mo akong mas maunawaan ang katotohanan na ito. Bigyan mo ako ng kakayanan na mamuhay ayon sa iyong utos. Kinikialala kita bilang Hari ng mga hari. Pagharian Mo ako.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang bago mong naiisip dahil sa katotohanan na ang Diyos ay hari ng mga bansa?
Ano ang paghahari ng Diyos?
Papaano paghariin ang Diyos sa ating buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions