April 11, 2024 | Thursday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Si Jesus Ay Diyos At Dakilang Hari
Today's Verses: Psalm 45:6–7 (ASND)
6 O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran. 7 Kinalulugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamumuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.
Read Psalm 45
Mahalagang kilalanin, sundin, at sambahin ang Diyos bilang Dakilang Hari.
Ang Psalm chapter 45 ay isang salmo o awit na ipinapahayag ang pagiging Dakilang Hari ng Diyos. Sa umpisa pa lamang ng Awit 45 ay buong pusong kinikilala na ang pagiging Hari ng Diyos. Sa pamamagitan ng tula, inilalahad ang kadakilaan ng Hari, ang Kanyang katuwiran, at ang Kanyang kapangyarihan. Binanggit din ang matuwid na paghahari ng Diyos na ginawaran ng isa pang Diyos ng sakdal na galak sa paghahari. Ito’y mahiwaga. Ito’y totoo.
Makatotohanan na mas malaman natin na ang Diyos na lumikha ng langit at lupa ay isang Dakilang Hari. Makabuluhan na ang Diyos ay mahalin, sundin, at sambahin. Hindi natin pwedeng itanggi dahil ito’y totoo … maniwala man tayo o hindi. Hindi natin palagiang maiiwasan ang Dakilang Hari. Sa ayaw man o sa gusto natin, Siya pa rin ang ating kakaharapin pagdating ng panahon. Maraming naghahari-harian. Maraming feeling sila ang may-ari ng buhay nila. Marami hindi nagbibigay pansin sa dakilang Diyos na Hari. How I wish na mas dumami pa ang tao na kikilala sa paghahari ng Diyos. Sana mas marami ang maagap na magbigay pagsamba at pagsunod sa Hari.
Hindi pa huli ang lahat para ating kilalanin ang Diyos na Dakilang Hari. Siya’y sundin at sambahin dahil ang Hari ay Diyos at ang Diyos ay naghahari. Paglaaan ng oras para alamin ang kalooban ng Hari. Bsahinn ang Biblia. Pag-aralan ang Salita ng Diyos. Umalis sa iyong comfort zone. Mas madalas, nagiging hadlang ang ating comfort zones para maging magalak sa piling ng Dakilang Hari. Ayon sa New Testament, ang dakilang hari ay nakaranas na ipanganak, nabuhay ng banal, pinatay para maging sakripisyo, at nabuhay na muli para maghari magpakailanman. Siya si Jesu-Kristo – ang Diyos at Dakilang Hari.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ako’y naniniwala ako sa Iyong anak na si Jesus. Siya ang Diyos na nagkatawang tao. Tinatanggap ko ang paghahari ni Jesus sa aking buhay. Turuan Mo akong si Jesus ay mahalin, sundin, at sambahin ng buong puso.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang pinaka ikinagagalak mong gawain sa buhay?
Anu-ano ang mga pinagkaka-abalahan mo sa buhay na nagbibigay parangal sa Diyos bilang Hari?
paano maglaan ng oras at pagmamahal sa Diyos bilang Hari sa kalagitnaan ng lahat ng kaabalahan sa trabaho, sa pag-aaral, sa mga laro, o sa mga hobbies?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions