April 6, 2024 | Saturday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Kagalingang Espiritwal At Emosyonal
Today's Verses: Psalm 41:4,10 (MBBTag)
4 Ang pahayag ko kay Yahweh, “Tunay akong nagkasala, iyo akong pagalingin, sa akin ay mahabag ka!” 10 Sa akin ay mahabag ka, Yahweh, ako'y kaawaan; ibalik mo ang lakas ko't kaaway ko'y babalingan.
Read Psalm 41
Ang kagalingang espiritwal at emosyonal ay may kinalaman sa metal health.
Alam ni Haring David na siya ay nangangailangan ng kagalingan. Umamin siya na siya’y nagkasala sa Diyos. Malinaw na mas kailangan ni David ng kagalingang espiritwal at emosyonal. Isinulat ni David ang Psalm chapter 41, na isang awitin, upang maibahagi din sa iba pang mga tao na sila din ay maaaring magkaroon ng espiritwal at emosyonal na karamdaman. Ang kasalanan ang isa sa mga major na nagdadala ng nasabing karamdaman. Kaya ganun na lamang ang hikayat ni David sa mga tao na humingi ng habag o ‘grace’ mula sa Diyos.
Ang Diyos ay puno ng habag. Si Lord lamang ang maaaring magpagaling sa taong may karamdamang espiritwal at emosyonal. Ang tawag ng mas marami dito ay ‘mental health’. Kailangan ng tao na maging aware sa mental health. Minsan may mga tao na binabalewala ito. Marami naman ay pumaparaan para mawala ang hindi ok na nararamdaman sa kalooban. Tawagin mo man itong ‘boredom’, malalim na kalungkutan, ‘anxiety’ o ‘depression’. May iba na talagang bagot dahil sa sobrang kalungkutan. Ang mga negatibong nararamdaman na ito dagdagan pa ng negatibong ‘reaction’ ay nagdudulot ng mababa o problemadong ‘mental health’. Salamat at marami na ang nagiging aware na mga tao patungkol sa mental health. Ang iba ay tatapusin agad ang usapin at sunod ay babalewalain. May mali at tamang pang-unawa tungkol sa mental health. Ang kalagayang ‘mental’ natin ay may kinalaman sa kalagayang ‘espirituwal’ natin.
Mas maging aware sa iyong personal na kalalagayan. Ito man ay physical, emotional, or spiritual. Bigyan pansin kung papaano ka makitungo o magsalita sa itong kapwa. Bigyan pansin kung papaano mo pamahalaan ang iyong emosyon – lalo kung papaano ka tumugon ng negatibo o positibo. Pansinin ang mga maling nagagawa o mga kasalanan na nagiging gawi. Kung dumating sa punto na halata mo ang sarili mo na nawawala sa kalooban ng Diyos, matutong magpakumbaba sa Kanya. Hingin ang Kanyang habag. Tandaan: si Lord lamang sa Kanyang habag ang maaaring magpagaling sa anumang karamdaman na meron tayo. Siya lamang ang maaaring magsaayos ng ating spiritual o mental health.
Panalangin:
Mabuting Diyos Ama, ang puso’t damdamin ko po ay Iyong siyasatin. Gabayan mo akong na maging aware sa aking kalalagayan. Nawa ang aking iniisip, sinasabi, at ginagawa at nagdudulot ng parangal sa Iyo, at kabutihan sa aking kapwa.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Ano ang mental health awareness?
Ano ang nagagawa ng kasalanan laban sa maayos na relasyon sa Diyos?
Papaano magiging mentally and spiritually healthy?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions