July 10, 2023 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Mga Basic Sa Pagiging Taong Mapalad

Today's verse: Psalms 1:1-2, MBBTag

Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama. Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.


Read: Psalm 1 

Ang taong mapalad ay may mga basic na hindi ginagawa, may basic na self-motivation, at may basic na self-discipline.


Nagsimula ang Psalm 1 sa salitang ‘mapalad’. Ipinaliwangag ang salitang ‘mapalad’ ng mismong chapter. Nakasaad dito ang apat na hindi gawain ng taong mapalad. Ang taong mapalad ay (1)hindi nakikinig sa payo ng masama, (2)hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa, (3)hindi siya nakikisama sa mga kumukutya, at (4)hindi nakikisangkot sa gawaing masama. Nakasaad din naman ang ginagawa ng taong mapalad: (1)kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh at (2) binubulay-bulay niya ang salita sa araw at gabi. 


Maraming tao ang gustong maging mapalad o ‘blessed’ sa English. At dahil diyan, mas kinakailangan nating maunawaan ayon sa Biblia kung ano ba talaga ang pakahulugan at ‘description’ ng Biblia sa mga taong mapalad. Nabasa natin na ang taong mapalad ay ‘hindi’ ginagawa at meron din siyang ginagawa. Basic ang mga ito. Ibig sabihin ito ay payak at pangunahin. Hindi natin pwedeng lampasan ang basic at pumunta agad sa advance. Mahihirapan ka sa advance kung di natin na’master muna and basic. Ang basic sa taong mapalad ay may basic siyang hindi ginagawa at may basic siyang ginagawa.


Gusto mo bang tawagin ng Diyos na mapalad? Maging ‘self-motivation’ mo ang kasiyahan na sumunod sa kautusan ni Yahweh. Dala ang self-motivation na yan ay maging ‘self-discipline’ mo na binubulay-bulay ang Salita sa araw at gabi. Yan ang basic na dapat nating gawin. Ang mga basic na hindi mo na ginagawa bilang taong mapalad ay ang hindi nakikinig sa payo ng masama,  hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa, hindi nakikisama sa mga kumukutya, at hindi nakikisangkot sa gawaing masama. God bless you more sa pagtupad sa mga basic sa pagiging taong mapalad.

Panalangin

Aming Diyos Ama, tulungan mo ako na tuparin ang mga basic ng pagiging taong mapalad. Bigyan mo ang ako ng self-motivation at ng self-discipline para gawin ang mga basic na ito. 

Maraming salamat. Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions