July 7, 2023 | Friday
Pagpapala Dahil Sa Pagsunod Ng May Pananampalataya
Today's verse: Galatians 3:13-14, FSV
13 Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat binibitay sa punongkahoy.” 14 Ginawa ito ni Cristo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus at sa pamamagitan ng pananalig ay matanggap natin ang Espiritung ipinangako ng Diyos.
Read: Galatians 3
Ang pagtubos ng Diyos ay klase ng blessing na dumarating sa tao dahil sa pananampalataya kay Kristo Hesus at sa sakripisyo na ginawa Niya.
Si Abram ay tinatawag na ‘man of faith’. At bukod sa pananampalataya, siya din ay naging masunurin sa Diyos. Siya ay sumunod sa Diyos sa mga dakilang pamamaraan na maski ang Diyos ay nakumbinsi na si Abraham ay mahal niya ang Diyos. Ito ang tinutukoy ni Pablo na klase ng tao na nagdala ng ibang klase ng pagpapala sa maraming tao. At ito ay sinigundahan ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng kanyang pagsunod sa Diyos na naghatid ng pagtubos o kapatawaran. At higit sa lahat, ang pagpapala na matanggap ang Espiritu Santo bilang pangako sa mga mananalig.
Tayo ay hindi lamang natubos sa kasalanan kundi nabiyayaan din ng presensya ng Espiritu Santo. Dahil sa pananalig natin sa ginawang sakripisyo ng Diyos, tayo ay pinagpala din ng kapatawaran at regalong presensya ng Holy Spirit. Ang Holy Spirit ay nananahan sa pagkatao ng isang mananampalataya. Ngayon, atin na bang na-imagine kung gaano talaga kahalaga ang regalo na pagpapatawad at regalo na Holy Spirit para sa mga anak ng Diyos? Tandaan, kailangan magsakripsyo ni Kristo Hesus para matanggap natin ito. Available na para sa lahat ang kapatawaran at ang Holy Spirit.
Tayo ay manampalataya sa Diyos at huwag na huwag tumigil sa pananampalataya. Hindi pa tapos ang laban sa kasalanan. Bagamat napatawad na tayo ng Diyos, pwede pa rin tayong madumihan ng kasalanan kung tayo ay hindi sumusunod ayon sa pananampalataya. Manampalataya kay Hesus. Magpagabay sa Holy Spirit.
Panalangin
Panginoon, naniniwala po ako kay Hesus at sa ginawa niyang sakripisyo. Salamat sa pagtubos Mo sa aking mula sa kasalanan. Gabayan Niyo po ako palagi ng Iyong Holy Spirit.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang ibig sabihin na tayo’y tinubos ng Diyos mula sa kasalanan?
Bakit mahalaga na tayo’y lumalapit sa Diyos ng may pananampalataya?
Papaano natin mapapahalagahan o ma-maximize ang presensiya ng Holy Spirit sa ating buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions