July 6, 2023 | Thursday
Ikaw Ba Ay Motivated At Inspired?
Today's verse: Galatians 2:20, FSV
Kaya hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.
Read: Galatians 2
Ang bagong pananaw na mabuhay para kay Jesus Christ ay ‘exclusive’ sa mga taong nakakaranas ng pag-ibig ng Diyos dahil sa pananampalataya at pagsunod
Si Apostle Pablo ang isa sa mga interesting na character sa Bible. Dating mang-uusig at pumapatay ng mga naniniwala kay Kristo. Ngunit dahil sa kanyang encounter kay Kristo-Hesus, ang ‘passion’ ni Pablo na mang-usig at pumatay ay naging mang-encourage, mabuhay para kay Kristo, o kung kinakailangan ay mag-alay ng buhay para sa kapwa mananampalataya. Kaya buong tapang na pinapahayag ni Pablo na “hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos.”
Ang Galatians 2:20 ay isang malaking hamon sa mga tao at lalo sa mga Jesus believers. Dapat alamin natin sa buhay na meron tayo ngayon kung sino ba ang nasusunod: Diyos ba o ating mga sarili? Tayo ba ay motivated at inspired? Ngayon ay nananawagan sa atin ang Salita ng Diyos patungkol sa pinanggagalingan ng ating ‘motivation’ sa buhay. Pinaaalahanan din tayo ng Bible na maging ‘inspiration’ ang buhay natin sa ibang tao. Tandaan, ang motivation ay mula sa ating mga sarili. Ang sarili lamang natin ang pwede na makapag-motivate sa ating sarili. Ang ‘inspiration’ naman sa kabilang banda ay mula sa ibang tao. Ang pamumuhay, mga pananalita, at mga paniniwala nila ang mga pwedeng mag-inspire sa atin para gumawa at magpatuloy.
Kaya i-motivate natin ang ating mga sarili. At i-inspire din natin ang ibang tao. Gamitin natin ang ating pamumuhay, mga pananalita, at mga paniniwala para ma-impluwensyahan ang mas marami. Katulad ni Pablo kapag gayon ang nanyayari, pwde din natin nang sabihin na “hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos.”
Panalangin
Aming Diyos Ama, hiling ko na maging motivated ako na klase ng tao. At maging source din ako ng inspiration sa aking mga kaibigan at kamag-anak. Gusto kong mabuhay para sa Iyo at dahil sa Iyo.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang kaibahan ng motivation sa inspiration?
Bakit may mga panahon na kahit ang manananampalataya ay napanghihinaan ng loob?
Papaano tayo magiging mas masigasig na tagasunod ni Kristo-Hesus maging sa kalagitnaan ng mga pag-aalinlagan at pagsubok sa buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions