July 5, 2023 | Wednesday

Sapat Ang Biyaya Ng Diyos

Today's verse: 2 Corinthians 12:9, FSV

Ngunit sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ko ay lubos na nahahayag sa kahinaan.” Dahil dito, masaya kong lalong ipagmamalaki ang mga kahinaan ko upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.


Read: 2 Corinthians 12 

Ang anak ng Diyos ay mahina kung wala ang kapangyarihan ng Diyos. Ngunit kailangang tanggapin ng Kristiano na siya’y mahina, para ang kapangyarihan ng Diyos mula sa Kanyang biyaya (grace) ay mapasa-atin na mga anak Niya.


Pansinin natin si Pablo sa isa sa mga highest point at lowest point sa kanyang buhay. Naranasan ni Pablo na pagkatiwalaan ng Diyos ng mga matitinding mga kapahayagan o ‘revelations’. Nagkaroon din siya ng marami at kamangha-manghang mga pangitain o ‘visions’ mula sa Diyos. Sa sobrang dakila ng mga ito ay hindi kayang sabihin o ilarawan. Dahil dito, napansin niya na kailangan bantayan din ng Diyos na hindi maging mayabang si Pablo. Kinakailangang magkaroon ng ‘thorn in the flesh’ ni Pablo na may ka-partner na mensahero ni Satanas para siya ay pahirapan. Ngunit alam at aminado si Pablo na ang purpose nito ay ang maiwasan na siya’y maging mayabang. Ni-request niya ito sa Lord, at ang sagot lang ni LORD ay “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.”


May mga sitwasyon ka ba na nagpapahirap sa iyo? Ramdam mo din ba na lumalago ka sa LORD? At napapansin at nauunawaan mo din ba na ang mga paghihirap o pagsubok na dumarating sa buhay ay may mga kanya-kanyang purpose o layunin? At isa sa mga dapat na ideal sa atin na mga tao at lalo sa mga anak ng Diyos ay ang pride o kayabangan. Mahal tayo ng Diyos at iniingatan Niya tayo sa kapahamakan dala ng pride. Best nating magagawa ang layunin ng Diyos ng malayo sa anumang pride.


Andyan man ang mala-thorn-in-the-flesh na klase ng pagpapahirap dala ng mensahero ni Satan, hindi natin kailangan na matakot o ma-depress. Ang anak ng Diyos ay mahina kung wala ang kapangyarihan ng Diyos. Ngunit kailangang tanggapin ng Kristiano na siya’y mahina, para ang kapangyarihan ng Diyos mula sa Kanyang biyaya (grace) ay mapasa-atin na mga anak Niya.


Panalangin

Aming Diyos Ama, salamat dahil sapat ang iyong biyaya sa lahat ng naranasan at mararanasan ko na mga pagsubok o paghihirap. Umaasa po ako sa kalakasan mo para sa akin na dala ng iyong biyaya na sapat.

Sa pangalan ni Hesus, Amen.

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions