June 29, 2023 | Thursday

Kayamanang Nasa Sisidlang-Lupa

Today's verse: 2 Corinthians 4:7-9, FSV

7 Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang walang kapantay na kapangyarihang ito ay mula sa Diyos, at hindi mula sa amin. 8 Kabi-kabila ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nadudurog; nalilito ngunit hindi nanlulupaypay; 9 pinag-uusig, ngunit hindi pinababayaan; pinababagsak, ngunit hindi nawawasak.


Read: 2 Corinthians 4 

Anumang pagsubok o kahirapan ang dumaan, hindi tayo matitinag kung dala-dala natin sa sisidlang-lupa ang kayamanan ng Diyos na nasa mabuting balita.


Ang ‘gospel’ o ang mabuting balita ang kayamanan na tinutukoy ni Apostle Pablo sa verse 7. Sina Pablo ay pinagkatiwalaan ng kapangyarihan mula sa Diyos. Tunay na kayamanan ang mabuting balita at ang dalin o ipamalita ito sa mga tao ay worth it sa kabila man ng lahat ng pagpapahirap, panlilito, pag-uusig, o pagpapabagsak. Alam ni Pablo na dal-dala nila ang kapangyarihan at kayamanan ng Diyos kaya sila ay hindi madudurog, hindi manlulupaypay, hindi pinababayaan, at hindi mawawasak. Naninwala sila na si Cristo Hesus ang liwanag sa mabuting balita.


Napakainam na isipin natin na bagamat tayo na mahina ay pwedeng pagkatiwalaan ng Diyos ng kanyang kayamanan at kapangyarihan. Ang mga tao na tumanggap at nanalig sa Panginoong Hesus dahil sa mabuting balita ay may taglay na mabuting balita ng Diyos na dapat ipamalita. Ito ay hindi simpleng adhikain. May mga mararanasan tayong mga pagpapahirap, panlilito, pag-uusig, o pagpapabagsak. Ngunit dahil kay Cristo Hesus, tayo ay hindi madudurog, hindi manlulupaypay, hindi pababayaan, at hindi mawawasak. Tayo ay parang sisidlang-lupa na may dala-dalng kayamanan ng Diyos na nasa mabuting balita.


Mga anak ng Diyos, manatili tayo sa kapangyarihan ng Diyos. Dalin natin sa mas maraming tao ang kayamanan ng mabuting balita patungkol kay Kristo. Marami ang gusto nang sumuko sa buhay dahil malungkot, depressed, worried, o kaya’y may kinakatakutan sa hinaharap. Abutin natin sila. Sila man ay mas matalino o mas mayaman, ngunit kung wala sa kanila si Jesus Christ sila ay nadidiliman at kailangan ang liwanag mula kay Jesus Christ. Kailangan nilang makita ang liwanag ng gospel of Jesus Christ. Ipanalangin natin sila ng mas taimtim. Magpalakas at magpakatatag tayo sa Panginoon. 

Panalangin

Aming Diyos, palakasin at patatagin Niyo po kami. Tulungan mo kaming huwag sumuko sa anumang pagpapahirap, panlilito, pag-uusig, o pagpapabagsak. Bagkus matiyaga naming dalhin ang mabuting balita upang mas maraming tao ang maligtas.

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions