June 28, 2023 | Wednesday

Mang-Encourage Kahit Na Discouraged

Today's verse: 2 Corinthians 2:14, FSV

Ngunit salamat sa Diyos, na siyang laging nagdadala sa atin sa pagtatagumpay kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay nagpapalaganap ng samyo ng pagkakilala sa kanya sa bawat dako.


Read: 2 Corinthians 2 

Maaring ngayon na ang panahon pra mang-encourage ng sarili sa pamamagitan ng pag-encourage sa ibang tao.


Adhikain ni Apostle Pablo na mapalaganap ang pagkakakilala tungkol kay Jesus Christ. Ang alam niya tungkol sa Diyos ay kanyang ibinabahagi sa mga taga-Corinto at sa iba pang lugar na kanyang pinupuntahan. Naging gawi ni Pablo na pumunta sa iba’t-ibang bayan kung saan andoon ang mga kapatiran. At kung saan man ang lugar na iyon, kanyang ibinabahagi sa mga tao ang story of Jesus Christ.


Ang ating buhay ay pwedeng maging megaphone ng kwento at katotohanan ng Diyos. May mensahe ito. Ang ating buhay ay naka-design para ipakita at iparinig sa iba kung sino ba talaga si Jesus Christ. Sa mga lugar na ating napupuntahan ay may mga taong discouraged na nangangailangan na makarinig ng Salita ng Diyos. Tayo ang tagapagdala ng tagumpay ng Diyos. Tayo ang tagapagpalaganap ng success sa buhay na maaaring maranasan ng ibang tao dahil sa Diyos.


Maging mapagmatyag. May mga taong tigib ng lungkot at kawalan. Madalas hindi nila alam kung papaano ang Diyos magbibigay sa kanila ng tagumpay. Marami ay desperate, upset, at nawawalan na ng pag-asa. Kailangan nila ang Salita ng Diyos. Kailangang may maglakas loob na ibahagi sa kanila ang mabuting balita ng Biblia. Maaring ang 5 minuto natin para makausap sila ay magiging malaking encouragement nila. Kailangan lang talaga natin na magpakita at magsalita. Kung tayo naman ang taong tigib ng lungkot at kawalan, ating pakinggan ang mga taong nagbabahagi sa atin ng Salita ng Diyos. You’ll never know, sa saglit na panahon ay mas mararanasan natin ang galawan ng Diyos sa ating mga buhay. Maaring ngayon na ang panahon pra mang-encourage ng sarili sa pamamagitan ng pag-encourage sa ibang tao. May tagumpay sa buhay kung ma-encourage natin ang sarili at ang ibang tao na mas makilala ang Diyos.

Panalangin

Aming Diyos, maraming taong upset, discouraged, sad, o depressed. Akin silang inaalala ngayon. Gamitin mo akong maging encouragement sa ibang tao. Ako man ay discouraged minsan. Pero alam ko na di ako nito mapipigilan para mang-encourage ng aking friends, relatives, o kapatiran .

Salamat po sa pagkakataon na makapag-encourage ako ngayong araw. Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions