June 23, 2023 | Friday
Gawin Ang Kapaki-Pakinabang
Today's verse: 1 Corinthians 10:23-24, FSV
23 “Maaaring gawin ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang. “Maaaring gawin ang lahat ng bagay,” ngunit hindi lahat ay makapagpapatibay. 24 Huwag maghangad ang sinuman para sa kanyang sariling kapakanan kundi para sa kapakanan ng iba.
Read: 1 Corinthians 10
Ang hangarin ang kapakanan ng iba ay kapaki-pakinabang sa kapwa at nagbibigay luwalhati sa Diyos.
Nasa puso ni Apostle Pablo ang mga community churches na kanyang itinatag. Kahit siya’y nakakulong, kanya pa rin itong inaalala. Kaya siya’y nagpapadala ng mga sulat para katagpuin pa rin ang mga kapatiran ayon sa kanilang pangangailangan. Ayon sa napiling talata, ang 1 Corinthians 10:23-24, ang mga kapatiran sa Corinto ay nangangailangan ng gabay at paalala na gawin ang lahat ng bagay para sa ikararangal ng Diyos. Pati na ang pag-iwas sa pagiging makasarili. Sinabi din ni Pablo na hindi lahat ng ginagawa ng tao ay nagpaparangal sa Diyos. At ang mga gawaing ito ay hindi rin kapaki-pakinabang. Lalo na’t kung may halong pansariling hangarin.
Ang makasariling hangarin sa buhay ay dapat iwaksi ng isang tunay na anak ng Diyos. Ang mga gawaing makasarili ay walang pakinabang. Hindi natin mapaparangalan ang Diyos at malamang masaktan pa natin ang ating kapwa. Kapag may makasariling pag-uugali, ang tao ay hindi na nagiging makatao, hindi pa makadiyos. Mahirap makadaupang-palad o makasama ang taong makasarili. Puro sa kanya lamang ang pakinabang at ang karangalan.
Napapanahon na tayo’y magkaroon ng ‘godly purpose and advocacy’. Nais ng Diyos na tayo bilang mga nilikha Niya at lalo ang mga anak Niya, ay gumawa ng mga kapaki-pakinabang na mga gawain. Pwede na rin itong tawaging mission sa buhay o di kaya’y ‘purpose with an advocacy’. Ang ‘purpose’ ay iyong makabuluhang layunin sa buhay. Ang ‘advocacy’ naman ay ang makabuluhang gawain na iyong itinataguyod para sa kabutihan at kapakanan ng ibang tao. Sa iyong napili o mapipiling ‘advocacy’, ito ay may kasamang panghihikayat sa ibang tao na samahan ka. Ang iyong purpose ay lalong naisasakatuparan ng makadiyos na advocacy para sa kapakinabanangan ng mas marami.
Panalangin
Aming Diyos Ama, patawarin Mo ako sa mga pagkakataon na ako’y naging makasarili. Palambutin Mo po ang aking puso tungo sa pagsunod ko sa Iyong purpose para sa aking buhay. Ituro Mo sa akin, O Diyos ang layunin ko sa buhay. At habang lumilinaw at natutunan ko ang aking 'purpose', turuan mo akong mas palawakin ito sa pamamagitan ng makadiyos na 'advocacy' tungo sa kapakinabanagan ng aking kapwa-tao.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Bakit against ang 1 Corinthians 10:23-24 sa pagiging makasarili?
Ano ang kaibahan ng ‘purpose’ at advocacy”?
Papaano napapalawak ng ‘advocacy’ ang aking ‘purpose’ at vice versa?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions