June 22, 2023 | Thursday
Katotohanang Pinagtibay Ng Diyos
Today's verse: 1 Corinthians 1:6-8, MBBTag
6 Ang katotohanan tungkol kay Cristo ay pinagtibay sa inyo 7 kaya't hindi kayo nagkukulang sa anumang pagpapala, habang hinihintay ninyo ang pagbabalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 8 Kayo'y gagawin niyang matatag hanggang wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Read: 1 Corinthians 1
Sigurado na may mga katotohanang pinagtibay ang Salita ng Diyos.
Nahayag ni Apostle Pablo ang maraming katotohanan ni Kristo sa mga taga-Corinto. Ayon kay Pablo, alam niya na magbabalik si Hesus sa takdang panahon. At dahil diyan, ang pagpapaalala niya sa mga taga Corinto ay ganun na lamang. Malakas ang paniniwala ni Pablo na ang mga anak ng Diyos na matiyagang nag-aantay sa Kanyang pagbabalik ay kaya na maging matatag sa buhay. Ang mga mananampalataya ay hindi rin kukulangin sa anumang pagpapala mula sa Panginoon.
Kapansin-pansin ang kasiguraduhan natin sa maraming espirtual na mga bagay. Ang mga kasiguraduhan na ito ay nasa mga Salita ng Diyos. Ito ay ayon sa Biblia. May kasiguraduhan ang pagbabalik ni LORD. May kasiguraduhan sa mga katotohanan tungkol kay Kristo. At may kasiguraduhan tayo bilang mananampalataya na tayo’y magiging matatag sa mga hamon ng buhay hanggang sa pagbabalik ni Kristo. At ang Diyos ang magbibigay ng katatagan. Tayo ay magiging matatag dahil kay Kristo.
Magtiwala tayo sa Diyos dahil sa mga pinagtibay Niyang mga katotohanan. Alamin natin ang kayamanan ng katotohanan ng Diyos. Hayag na hayag ito sa buong Biblia. Hindi ganun kahirap na ma-discover ang mga katotohanang ito kung may taglay tayong tamang ‘attitude’ at tamang pananaw. At habang inaantay natin ang pagbabalik ni Hesus, may kasiguraduhan sa katatagan natin. Umasa sa LORD na kaya Niyang ayusin at pagpalain ang ating mga buhay dito pa lamang sa mundo. Sigurado ito.
Panalangin
Aming Diyos Ama, salamat at may kasiguraduhan sa maraming bagay dahil sa Iyong anak na si Hesu-Kristo. Patawarin mo ako sa anumang pag-aalinlangan ko. Naway taglayin ko, ng aking pamilya, at ng buong simbahan ang pagtitiwala na tapat Ka sa Iyong mga pangako. Ang kakayanan Mo at katotohanan mo ay may kasiguraduhan.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Anu-ano ang mga dapat maisasapuso ng mga mananampalataya ayon sa 1 Corinthians 1:6-8?
Anu-ano ang mga kasiguraduhan ng isang tunay na mananampalataya?
Papaano mamumuhay ang mga mananampalataya hanggang sa takdang pagbabalik ni Hesu-Kristo?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions