June 30, 2023 | Friday
Isa Nang Bagong Nilikha
Today's verse: 2 Corinthians 5:17, FSV
17 Kaya't ang sinumang nakipag-isa na kay Cristo ay isa nang bagong nilikha. Ang mga lumang bagay ay lumipas. Masdan ninyo, ang lahat ay naging bago.
Read: 2 Corinthians 5
May miracle na nangyayari kapag ang isang tao ay nanalig na kay Jesus Christ – siya ay nagiging isa nang bagong nilikha.
Si Apostle Pablo ay puno ng kapahayagan o revelation mula sa Panginoon. Siya ay may magalang na pagkilala sa mga na kay Kristo. Sinabi niya na noon ay hindi naman ganun. Siya ay tumitingin sa tao sa pamantayan ng laman or ‘according to the flesh.’ Ngunit nang makilala niya at tinanggap si Jesus Christ sa buhay niya, kinikilala niya na rin na may nangyari ding miracle sa ibang tao na na kay Kristo. Alam niya na ang sinumang na kay Kristo ay isa nang bagong nilikha. Ang lumang pagkatao ay lumipas na.
Sa buhay natin, tayo ay nakatingin sa panlabas na anyo ng tao. Mas kita kasi natin yun. At kung dati na nating kilala ang tao, tayo ay nakabase na agad doon sa dating pagkakilala. Papaano kung ang tao na iyon ay na kay Kristo na? Siya ay nanampalataya na sa ginawang sakripisyo at kamatayan ni Jesus Christ. For sure, mayroon nang nagyaring miracle sa kalooban ng tao na iyon na malamang ay hindi natin kita sa panlabas na anyo. Ayon sa verse 16, may kinalaman dito kung papaano natin kilalanin ang tao sa kung papaano natin kilalanin si Kristo. Ano ang pinapagawa sa atin ng Diyos sa ganitong pagkakataon?
Kilalanin natin ang tao hindi ayon sa pamantayan ng laman. Ibig sabihin, huwag tayong maging judgmental. Unless na inihayag supernaturally ng Diyos, hindi natin totally alam ang nilalaman ng puso o ang kalooban ng tao. Bigyan daan natin ang miracle ng pagbabago sa puso ng isang tao. Ganun din naman sa ating sarili. Kung alam natin na tayo ay naniniwalang tayo ay na kay Kristo, may miracle nang nangyari sa ating kalooban na gawa ng Diyos. Ramdamin natin ang presence of God inside. Huwag nating hatulan ang atin sarili o ang ibang tao dahil sa nakaraan.
Panalangin
Aming Diyos, patawarin mo ako sa pagiging judgmental. Nahahatulan ko ang ibang tao ayon sa panlabas na anyo nila. Turuan mo akong bigyan daan ang ginawa Mong miracle sa mga taong nananampalataya sa iyo. Turuan mo akong manalangin para sa aming mga kanya-kanyang pagbabago.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
Ano ang ibig sabihin ng ‘na kay Kristo’?
Miracle na ang isang tao ay maging isa nang bagong nilikha. Papaano tayo magiging pagpapala sa ginagawang miracle na ito ng Diyos?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions