July 3, 2023 | Monday

Masaganang Pagpapala Mula Sa Diyos

Today's verse: 2 Corinthians 9:8,10, FSV

9 Kaya ng Diyos na pagkalooban kayo ng masaganang pagpapala sa lahat ng bagay, upang maging masagana kayo sa lahat ng uri ng mabuting gawa, habang pinupunan ang lahat ng inyong mga pangangailangan sa tuwina. 10 Siyang nagbibigay ng binhi sa magsasaka at ng tinapay upang makain ng tao ay siya ring magbibigay at magdaragdag ng inyong binhing itatanim, at magpaparami ng mga bunga ng inyong mga gawang matuwid.


Read: 2 Corinthians 9 

Ang masaganang pagpapala mula sa Diyos ay para may pangkawang-gawa.


Sinasabi ng 2 Corinthians 9 na kaya tayong pagkalooban ng Diyos ng masaganang pagpapala. At ang intensyon ng Diyos sa pagbibigay ng masaganang pagpapala ay para tayo’y maging daluyan ng pagpapala para sa ating kapwa tao. Ayon kay Apostle Pablo, ang Diyos ang ‘source’ ng lahat ng klase ng pagpapala. Ang Diyos ang nagbibigay ng karagdagang pagpapala tungo sa mabungang gawaing matuwid.


Ano mang meron tayo ngayon ay nagmula lahat sa Diyos. Walang meron tayo na hindi nagmula sa Diyos. At malamang tuwing naiisip tayo ng Diyos ay nag-iisip Siya kung paano tayo pagpapalain. Siya ang Diyos ng samu’t-saring pagpapala. At ang dahilan ng Kanyang pananaw na ito ay para tayo’y pagpalain. Ang naisin Niya ay tayo’y maging daluyan ng pagpapala. Handa ba tayo sa masaganang pagppala ng Diyos dahil sa ating mga pagsisikap?


Tayo’y maging generous. Ibahagi ang maliit o malaking porsiyento ng ating pagpapala sa iba na mas nangangailangan. Totoo na may mga taong mas nangangailangan kesa sa atin. Isipin natin na ang masaganang pagpapala ay para sa kawang-gawa. Hindi kabawasan ang pagkawang-gawa. Kaya tayong pagpapalin ng Panginoon ng highit pa sa ating pangangailangan. Tandaan: hindi kabawasan ang pagtulong sa kapwa.

Panalangin

Aming Diyos, anuman ang pangangailangan ko ay ikaw ang pinagmumulan. Patawarin mo ako sa kakulangan ko sa generosity. Tulungan mo akong maging matulungin. Bigyan mo ako ng puso na kayang pansinin ang pangangailangan ng ibang tao.

Sa pangalan ni Hesus, Amen. 

Pagnilayan:

Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions