July 8, 2023 | Saturday
Ang Paggawa Ng Mabuti
Today's verse: Galatians 6:9-10, FSV
9 Kaya't huwag tayong mapagod sa paggawa ng mabuti sapagkat pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo susuko. 10 Kaya nga, basta may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.
Read: Galatians 6
Ang paggawa ng mabuti ay dapat gawin ng bukal sa puso at may kasipagan. Ito ay may siguradong kalakip na pagpapala pagdating ng takdang panahon.
Apat na mga bagay ang sinabi ni Apostle Pablo hinggil sa paggawa ng mabuti: Ang paggawa ng mabuti ay hindi dapat kapaguran; Ang paggawa ng mabuti ay hindi dapat sukuan; Ang paggawa ng mabuti ay ginagawa tuwing may pagkakataon; Ang paggawa ng mabuti ay ginagawa sa lahat ng tao lalo na sa kapwa mananampalataya.
Ang paggawa ng mabuti ay hindi kailan man makakapagligtas sa isang tao. Ngunit ang paggawa ng mabuti ay malaking patunay na ligtas na ang isang tao. Bagaman may mga paggawa ng mabuti na nakasanayan na ng ibang mga tao, may mga bagong paggawa ng mabuti na nagagawa (o mas mainam at mas natural na nagagawa) after na ma-save o maborn-again na ang isang tao. Ang paggawa ng mabuti ay counted ni Lord at may nakalaan ‘reward’ kung ligtas na ang isang tao.
Gawin ang mabuti ng natural at hindi napipilitan. Gawin ang mabuti ng intentional o sinasadya. Dapat pagplanuhan ang paggawa ng mabuti. Gumanti man ng mabuting gawa o hindi ang ibang tao na nagawan natin ng mabuti, patuloy pa rin tayo at walang sawa tayong gumawa ng mabuti sa kanila. Pansinin man nila o hindi, gumawa pa rin ng mabuti kapag may pagkakataon. Kung ikaw ay ligtas na dapat mas natural na sa iyo ang paggawa ng mabuti.
Panalangin
Aming Diyos Ama, ilagay mo sa puso ko ang paggawa ng mabuti. Nawa maging pagpapala ako sa aking kamag-anak, kaibigan, at sa mga kapatiran sa church.
Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Pagnilayan:
This week o this month, sino sa iyong kamag-anak, kaibigan, o kapatiran ang plano mong gawan ng mabuti?
Ano ang specific na paggawa ng mabuti ang nagagawa mo na ngayon bilang believer of Jesus Christ?
Ano ang ministry mo sa loob ng church at ano ang nagagawa nito sa iyong faith?
Kung sa ngayon wala ka pang ministry sa loob ng church, bakit kaya wala ka pa (o bakit wala ka na)?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions