February 12, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Matuwid At Katiwa-Tiwala Ang Diyos

Today's Verse: Psalm 11:7 (ASND)

Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti, kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya.


Read Psalm 111 


Ang pagiging matuwid ng Diyos ay sapat na dahilan para tayo’y magtiwala sa Kanya at gumawa ng mabuti at mamuhay ng tama.


Ang Psalm chapter 11 sa panulat ni Haring David ay kapahayagan ng lubos na pagtitiwala niya sa Diyos. Bagaman hindi ganun kadali na magtiwala sa hindi mo pa nakikitam, ngunit si Haring David ay napagmasdan niya na ng maraming beses ang ang mga pagtatanggol ng Diyos. Kilala na niya si Yahweh. Alam niya ang pagiging maiibigin ng Diyos na si Yahweh sa paggawa ng mabuti at pamumuhay ng tama. 


Ang pagtiwalaan ang Diyos ay hindi ganoon kahirap. Sa gitna ng parang tagumpay ng masasama o di kaya’y ang pamamayagpag ng masama ay katiwa-tiwala pa rin si Yahweh na Diyos. Hindi-hindi maaaring pagtagumpayin ng Diyos ang masasama at ang kanilang mga gawain. Ang Diyos ay nasa banal Niyang templo. Matyag Niya ang lahat ng kasamaan. HInahayaan ng Diyos pansamantala ang kasamaan bilang pagsubok sa mga matutuwid. Ang mga matuwid na nagtitiwala sa Diyos ay magtitiwala pa rin sa Diyos dahil kilala nila kung sino ang Diyos. Alam din nila ang katuwiran ng Diyos. Katagalan, mapagmamasdan ng mga matuwid na may tiwala sa Diyos ang mukha ng ng Diyos.


Magpatuloy sa pagtiwala sa Diyos. Hindi kailanman nasasayang ang tiwala mo sa Diyos. Kilalanin ang Diyos at ang Kanyang mga mabuting katangian. Nagiging mahirap ang pagtitiwala ng karamihan sa Diyos dahil hindi pa nila kilala ang Diyos para Siya ay pagtiwalaan. Maging angat sa maraming tao na walang tiwala sa Diyos. Sila’y masyadong apektado ng masasamang nangyayari kapaligiran. Hayaan mong punuin ng Biblia ang iyong kaisipan ng mga pangako ng Diyos. Payagan mong payapain ka ng Espiritu ng Diyos. Manangan sa Kanyang lakas. Siya pa rin ang dakila at makapangyarihan. Lumapit tayo araw-araw sa Kanya.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ako nagtitiwala sa Iyo, sa iyong Anak na si Jesus, at sa Iyong Espiritu Santo. Anumang panglilito, pagsisinugaling, at panglilinlang ng kalaban ay iwaksi Mo palayo sa aking isipan. Inaalala ko din ang aking pamilya at simbahan. Ingatan Niyo sila sa mga gawa ng masasama. Bantayan sila ng Iyong mga anghel. Kami ay nagtitiwala sa Iyo

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Revelation 15-16

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions