April 16, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Makinig Sa Pangungusap Ng Diyos

Today's Verses: Psalm 49:1–3 (ASND)

1 Makinig kayo, lahat ng bansa, kayong lahat na nananahan dito sa mundo! 2 Dakila ka man o aba, mayaman ka man o dukha, makinig ka, 3 dahil magsasalita ako na puno ng karunungan, at puno rin ng pang-unawa ang aking kaisipan.


Read Psalm 49

Nangungusap ang Diyos lalo na sa mga nakikinig.


Nananawagan ang manunulat ng Psalm chapter 49 sa lahat ng bansa na makinig sa Salita ng Diyos. Nais niya na tumanggap ang mga tao ng karunungan at pang-unawa mula sa Salita. Ito ay dahil napapansin niya na ang mga tao ay sa kayamanan na umaasa. Ramdam din na ang mga tao ay masyado nang mahal ang kanilang buhay. Dahil dyan, may takot sa puso ng mga tao na walang ganoong kayamanan para pangalagaan nila ang kanilang sarili. Ang Psalm chapter 49 ay nagbibigay ng karunungan upang mapaglabanan ang pagiging makamundo at makasarili.


Tayo ay pinaaalahanan na matutunan ang pakikinig sa Diyos. Ang Diyos ay nangungusap lalo na sa mga nakikinig. Ang pakikinig sa mga pangungusap ng Diyos ay napakahalagang katangian. Ito ay magliligtas sa atin sa kapahamakan. Mas magiging marunong tayo kesa sa ating mga tagausig. Mas magiging masigla ang ating buhay. Magkakaroon ng kagalakan ang iyong pakikitungo sa kapwa tao. Maging ang problema ay hindi na problema. Tuturuan ang mga nakikinig sa Salita ng Diyos ng tiwala, pag-asa, pananampalataya, at kapanatagan. Habang ang iba ay litong-lito dahil sa mga negatibong pag-uugali at kawalan ng pag-asa, ang lumalagong Kristiyano na nakikinig at sumusunod sa Diyos ay ligtas at payapa. Sila’y nag-eenjoy sa kung ano ang kaloob ng Diyos. Hanggang sa kabilang buhay ay may pag-asa. Kaya dito pa lang sa lupa, ang takot ay walang mapagkapitan sa puso ng lumalagong mananampalataya ni Jesus.


Makinig ang mga may pandinig. Maging pamilyar sa boses o tinig ng Diyos. Ang  boses ng Diyos ay ‘inaudible’. Hindi ito nadidinig ng pisikal na tainga. Ang pusong nakasuko sa Diyos ay malaki ang kalamangan para mapakinggan ng mabuti ang ‘instructions’ ng Diyos. Kaya tanggalin ang yabang sa katawan. Huwag mas maging marunong sa Diyos. Maging mapagpakumbaba at mahinahon upang mapakinggan ang Diyos na hindi atubili. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ao ay nakikinig sa iyo. Sa iyo ang buong attention ko, Lahat ng kaabalahan at pag-aatubili ay isinusuko ko po sa Inyo. Payapain mo po ang aking damdamin at pawiin ang anumang takot.

Salamat po. Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Exodus 13-14

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions