August 29, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Hindi Boring Ang Salita Ng Diyos

Today's Verses:  Psalm 119:171-173 (ASND)

171Lagi akong magpupuri sa inyo, dahil tinuturuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin. 172Akoʼy aawit tungkol sa inyong mga salita, dahil matuwid ang lahat nʼyong mga utos. 173Palagi sana kayong maging handa na akoʼy tulungan, dahil pinili kong sundin ang inyong mga tuntunin.



Read Psalm 119:169–176

Masarap ba sa pakiramdam kapag alam mo at napapatunayan mo ang Diyos ay masigla dahil sa iyong pagsunod sa Kanya?


Sa Psalm 119:169-176, ang may-akda ay malalim na naisin na makuha ang kaalaman at gabay mula sa Diyos upang masunod ang Kanyang mga utos. Sa kabila ng kanyang mga pagsubok at pagkaligaw, siya'y nakatatanggap ng lakas at pagtulong mula sa Diyos. Ang manunulat ay puno ng pagpupuri at pagsunod sa mga alituntunin ng Diyos.


Kung talagang paglalaanan natin ng pansin at pagsunod, ang mga Katuruan at Salita ng Diyos ay magdadala sa atin ng kakaibang sigla. Maaaring hindi pa ito ganun katanggap ng marami dahil sa naikalat na kaisipan na ‘boring’ ang Bible o ang Salita ng Diyos. Maraming tao ang tinanggap na ang ganitong pananaw. May mga Kristiyano rin ang nananatili sa paniniwalang ‘boring’ ang Salita. Isang simpleng ebidensya nito ay ang kawalan ng ‘consistency’ o regular na daily devotions. Kung mababago ang pananaw ng marami na ‘boring’ ang Bible at busy silang tao, at kung bibigyan ng tunay na pansin at pagsunod ang pagbabasa ng Biblia, lalo na kung magiging gawi ito ng mas maraming tao — lalo na ng mga nagsasabing sila’y Kristiyano — darami ang mga tunay na magpupuri sa Diyos at susunod sa Kanyang mga utos.


Baguhin ang pananaw mo sa Salita ng Diyos. Ituwid ang ideya na boring ang Bible. Maglaan ng oras at dedikasyon sa pagbabasa ng Biblia araw-araw. Gawing regular ang daily devotions at gawing bahagi ng iyong araw-araw na buhay. Tanggapin ang tunay na sigla at inspirasyon mula sa katuruan ng Diyos. Mag-focus sa pag-unlad ng iyong pananampalataya at pagkakaroon ng mas malapit na relasyon sa Diyos. Hayaan mong ang iyong buhay ay magsilbing saksi sa Kanyang biyaya at pagmamahal. Hikayatin ang iba na magpuri at sumunod sa Kanya.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, buksan Mo ang aking puso at isipan upang mas lalo kong pahalagahan ang Iyong Salita. Tulungan Mo akong magkaroon ng disiplina sa araw-araw na mag-devotions muna at ako’y magpatuloy sa pagsunod sa Iyong mga utos.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Judges 19-20

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions