February 15, 2024 | Thursday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Awitan Ang Diyos Dahil Siya’y Mabuti
Today's Verse: Psalm 13:5-6 (ASND)
5Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako. At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako. 6Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.
Read Psalm 13
Mabuti ang Diyos. Maniwala, magtiwala, magalak, at awitan Siya.
Dumating sa punto ng buhay si Haring David na nainip siya sa Diyos. Nabagalan siya sa galawan ng Diyos para ipagtanggol siya sa kanyang mga kaaway. Kahit masalimuot ang emosyonal na kalagayan ni David, nagawa niya pa rin na manalangin sa Diyos. Ang hari ay naghayag ng kanyang damdamin sa Diyos. Humiling pa rin si David na siya’y pansinin ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sigla sa kanyang buhay. Kalaunan, napatunayan ni David na mabuti pa rin ang Diyos. Kaya si David ay aawit ng may paniniwala, pagtitiwala, kagalakan dahil mabuti ang Diyos.
Hindi hahayaan ng Diyos na sinumang tao ay malugmok sa kawalan ng pag-asa – lalo na ang mga naniniwala at nagtitiwala sa Kanya. Sa ating pagkainip, ang Diyos ay nag-aantay. Sa ating mga hugot sa buhay, Siya’y nakikinig. Ang Diyos ay tutugon sa ating mga hinaing dala ng ating mga nararanasang mahirap na sitwasyon sa buhay. Kung tayo ay lalapit at manantili sa presensiya ng Diyos, anuman ang kalalagayan ng ating emosyon, ang mga pagsagot ng Diyos ay tiyak na darating. Sa ating paniniwala, pagtitiwala, at galak sa Diyos, ang mga tugon ng Diyos ay mangyayari. Kapag sa ating pagpapakumbaba sa Diyos ito ay nanyari, ang kasunod nating dapat gawin ay aawitan natin ang Diyos gawa ng Kanyang kabutihan.
Maniwala pa rin sa Diyos anuman ang problema. Di hamak na mas malaki ang Diyos sa ating mga problema. Magtiwala sa Diyos kahit parang wala nang pag-asa. Hindi nakabase sa kaninu man o sa mga pangyayari ang pag-asa na kailagan natin. Ang Panginoong Diyos ay mabuti! Magalak sa Diyos dahil inililigtas ka Niya. Darating ang Diyos at aakapin ka Niya. Umawit ng mga papuri at pagsamba sa Diyos. Napakaraming dahilan para magdiwang ng may magpuri at sumamba sa ating Diyos at Panginoong Jesus
Panalangin:
Napakabuti Mo, aking Diyos Ama. Anuman ang mga negatibong pangyayari sa paligid ko na umaagaw sa aking pag-asa at kapanatagan, turuan mo akong magpakumbaba sa Iyo at lumapit sa Iyo. Nais kong mas maranasan Ka at ang iyong kabutihan sa aking buhay.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ano iyong mga lungkot at hugot sa buhay?
Bakit kaya natatangay ng problema ang mga tao tungo sa kawalan ng pag-asa?
Papaano mas mararasan ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions