February 20, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Diyos Aking Ang Kalakasan

Today's Verse: Psalm 18:1-3 (ASND)

1Iniibig ko kayo Panginoon. Kayo ang aking kalakasan 2Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin. 3Karapat-dapat kayong purihin, Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.


Read Psalm 18 

May kakaibang kalakasan sa buhay ang isang tao na umiibig sa Diyos.


Sa Psalm chapter 18 ay ipinahayag ni Haring David ang kanyang pagiging dependent sa kalakasan ng Diyos. Aminado siya na napagtatagumpayan niya ang anumang suliranin at problema dahil sa lakas niya na mula sa Diyos. Ang protection ni Haring David ay mula sa Diyos. Mukha siyang malakas sa mga tao at nagtatagumpay siya sa anumang kapahamakan. Maski sa ‘death threat’ ay iningatan siya ng Diyos mula kay Haring Saul noong General pa lamang si David. Higit sa lahat, iniibig ni Haring David ang Panginoon. Ang Pag-ibig na ito ang pinakadahilan bakit sobrang tatag ni David. Siya ay may kalakasan dahil ang connection niya sa Diyos ay hindi dahil sa religion kundi relasyon niya sa Diyos na si Yahweh. 


Kailangan natin ng kalakasan sa ating buhay. Marami man ang mga suliranin, dalahin, at maging ng mga iba’t-ibang banta sa kaayusan ng ating buhay, available palagi ang lakas ng Diyos. Pwede tayong lumapit sa Kanya sa pananalangin at pagsamba. Tapat ang Diyos sa umiibig sa Kanya. Gagantimpalaan ng Diyos ang matuwid na namumuhay dahil sa Kanya. Nagbibigay ng tapang ang Diyos para harapin ang mga banta. HIndi nang-iiwan ang Diyos sa mga umaasa at nagtitwala sa kanya. Pinagtatanggol ng Diyos ang mga inaapi at inuusig ngunit hindi gumaganti. Tunay at mabuti ang Diyos! 


Manalangin sa Diyos. Kausapin natin ang Diyos sa anumang panahon ng ating buhay. Ito may ay panahon ng saya, purihin ang Diyos. Ito man ay panahon ng pighati, magtiwala sa Diyos. Ito man ay panahon ng lungkot, sambahin ang Diyos. Ito man ay panahon ng pagpapala, maging tapat sa Diyos. Ito man ay panahon ng kaguluhan, maging matuwid pa rin sa Diyos. Ating iparating ang pagkilala natin sa lakas na ibibigay Niya. Pwde natin Siyang makausap sa gitna ng ating mga problema. Tandaan, nagtagumpay sa buhay si Haring David dahil nagtagumpay ang Diyos sa kanyang puso.

Panalangin:

Diyos Ama, ikaw ang aking kalakasan. Anuman ang unos ng buhay kaya mo akong ingatan. Ang matuwid na pamumuhay ay aking ipagpapatuloy. Sa iyong lakas na gawad, ang tagumpay sa buhay ay siguradong tuloy-tuloy.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions