February 19, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Panginoon Ang Lahat Sa Buhay

Today's Verse: Psalm 16:5-6 (ASND)

5 Panginoon, kayo ang lahat sa aking buhay. Lahat ng pangangailangan koʼy inyong ibinibigay. Kinabukasan koʼy nasa inyong mga kamay. 6 Ang mga biyayang kaloob nʼyo sa akin ay parang malawak na taniman, kahanga-hangang tunay. Tunay na napakaganda ng kaloob na ibinigay nʼyo sa akin.


Read Psalm 16 

Ang magtiwala sa Diyos ng lubusan ay mabuting desisyon.


Si Haring David ay sagana sa pagtitiwala sa Diyos. Alam niya na kaya siyang ingatan ng Diyos. Alam niyang ang mga mabubuting bagay na nakamtan niya ay galing sa Diyos. Naniniwala siya na kayang tugunan ng Diyos ang kanyang mga pangangailangan. Si Yahweh ang lahat-lahat sa buhay ni David. Kaya, hindi siya magtitiwala sa mga diyos-diyosan kundi sa Diyos lamang. Bagkus, pupurihin ni David ang Diyos at magagalak ang puso niya dahil sa Diyos.


Lubos ang kasaganaan at pag-iingat dala ng pagtitiwala natin sa Diyos. Ang samu’t-saring pagpapala ng Diyos ay mas mararanasan kung magtitiwala sa Diyos. Isa-isahin man ang ating mga pangangailangan, lahat ng mga ito ay mangagaling lamang sa Diyos. Ang mga iniisip natin mga pangarap sa buhay ay ang Diyos pa rin ang naggagawad. Ang mga nakamtan natin sa buhay ay dahil pinahintulutan ng Diyos. Ito ay mga nangyari sa atin dahil pinayagan ng Diyos. Kaya ng Diyos na tayo’y pagpalain, ingatan, at bigyan ng buhay na ganap at kasiya-siya. Ang iyong buhay dito sa mundo at maging sa kabilang buhay ay parehong iingatan ng Diyos.


Laliman ang pagtitiwala sa Diyos. Tingnan ang paligid at pansinin ang kabutihan at katapatan ng Diyos. Bigyang halaga ang pag-alaala sa mga breakthroughs and miracles mo sa Diyos. Purihin ang Diyos ng iyong mabuting pamumuhay. Purihin ang Diyos at mag-appreciate sa kanyang kabutihan. Hindi mo man pansin, may ginagawang mga dakilang mga bagay ang Diyos. Bigkasin na ang Panginoon ang lahat sa ating buhay.

Panalangin:

Napakabuti mo, aking Diyos Ama. Tapat ka sa lahat ng iyong pangako. Kami ngayon ay lalong humahanga sa iyong kadakilaan. Ang iyong mga kaloob ay higit sa sapat. Anuman ang problemang sitwasyon sa paligid, ako’y Iyong tinutulungan na lalong magtiwala sa Iyo. Aking aasamin pa na mas maranasan Ka sa bawat aspeto ng aking buhay.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 1-2

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions