August 17, 2024 | Saturday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Dahil Sa Pag-Ibig At Pagliligtas Ng Diyos

Today's Verses: Psalm 119:41–42 (ASND)

41 Panginoon, ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig at pagliligtas sa akin, ayon sa inyong pangako. 42 Pagkatapos sasagutin ko ang mga kumukutya sa akin, dahil akoʼy nagtitiwala sa inyong mga salita.


Read Psalm 119:41-48

Nagtitiwala ka ba sa mga pangako ng Diyos upang magbigay sa iyo ng pag-asa at lakas?


Sa Psalm 119:41–48, ang manunulat ay humiling ng Diyos na ipakita ang Kanyang pag-ibig at kaligtasan ayon sa Kanyang pangako upang makuha ang lakas na sagutin ang mga nangutya sa kanya. Binibigyang-diin nito ang pagtitiwala sa Diyos at Kanyang Salita, na nagsusulong ng pagsunod sa Kanyang mga utos at kagalakan sa Kanyang batas.


Ang Diyos ay magliligtas sa atin mula sa mga hindi kanais-nais na mga sitwasyon, sa mga tao na nangungutya, at maging sa ating mga sariling negatibong emosyon. Ang mga katulad nito ay ilan sa mga bagay na kaya ng Diyos na tayo'y iligtas. Ang mga usaping ito ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa ating buhay at humadlang sa isang mapayapa at masaganang buhay Kristiyano. Mahalaga na mapaglabanan ang mga ito. Ngunit mahirap magtagumpay kung aasa lamang tayo sa ating sariling lakas. Kailangan natin ng pag-ibig at pagliligtas mula sa Diyos. Ikaw man ay may pinagdadaanan o kaya’y may hugot sa buhay, kaya tayong iligtas ng Diyos sa pamamagitan ng kayang kautusan na puno ng pag-ibig. Magtitiwala ka ba sa Kanyang mga pangako para magbigay sa iyo ng pag-asa at lakas?


Magbalik-loob sa Diyos kung ikaw ay napapalayo sa Kanya. Maging bukas sa paghingi ng tawad at humingi ng Kanyang tulong anuman ang sitwasyon sa buhay. Magtiwala sa Diyos at alamin ang Kanyang mga pangako sa Kanyang Salita. Magtiwala na Siya ay magliligtas sa iyo mula sa mga hindi kanais-nais na sitwasyon, mga pangungutya, at iyong mga negatibong emosyon. Regular na manalangin para sa gabay na mapagtagumpayan ang mga pagsubok. Iwasan ang mga "distractions" o mga sagabal na humahadlang sa iyong kapayapaan at pag-unlad sa buhay Kristiyano. Mag-focus sa relasyon mo sa Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, lumalapit ako sa Iyo na may pusong nagsisisi. Hinihiling ko ang Iyong tawad at tulong upang magbagong buhay at mapalapit sa Iyo. Tiwala ako sa Iyong mga pangako at humihingi ng gabay upang malampasan ang mga pagsubok. Tulungan Mo akong iwasan ang mga sagabal at mag-focus sa Iyong utos. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Joshua 23-24

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions