August 12, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Malinis Na Buhay Dahil Sa Salita Ng Diyos

Today's Verses: Psalm 119:9–11 (ASND)

9 Paano mapapanatili ng isang kabataan na maging malinis ang kanyang buhay? Mamuhay siya ayon sa inyong mga salita. 10Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya tulungan nʼyo akong huwag lumihis sa inyong mga utos. 11Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.


Read Psalm 119:1-16

Mahalaga ba sa iyo ang Salita ng Diyos?


Sa Awit 119:9-11, tinutukoy ang kahalagahan ng Salita ng Diyos sa ating paglalakad sa buhay. Itinatampok ang tanong kung paano mananatili ang isang binata sa dalisay na landas. Ayon sa manunulat, ang kasagutan ay nasa pag-aaral at pag-alaala sa mga batas at alituntunin ng Diyos. Sa verse 11, ipinapahayag ng manunulat na ang kahalagahan ng pagsasa-puso ng Salita ng Diyos


Kung isasapuso natin bilang lumalagong Kristiano ang Salita ng Diyos, ito ang magiging kalasag natin laban sa anumang kasalanan. Kung atin itong babasahin at aaralin, mas lamang tayo sa pangkaraniwang tao na nabubuhay. Ang ating isipan ay mas lumilinaw. Dagdag pa rito, ang ating pananaw ay mas lumalawak. Ang malinaw na isipan at malawak na pananaw ay nagbubunga ng buong pusong pagsunod. Ang pagsunod sa Kanyang mga utos ay nagbibigay ng higit pang lakas sa ating espiritwal na paglalakbay. Ang kaduwagan ay napapalitan ng lakas ng loob, ang takot ay napapalitan ng kapayapaan, ang kasalanan ay napapalitan ng kabanalan, at ang kawalan ay napapalitan ng tamang landas na patutunguhan. Ilan lamang ito sa mga itinuturo ng Diyos sa Old Testament na pinatunayan ni Jesus sa New Testament.


Maglaan ng oras araw-araw upang basahin ang Bibliya. Kung gayon, lalalim ang pang-unawa mo sa buhay. Isipin at pagnilayan ang mga nabasa mong talata. Isama ito sa iyong pagdarasal para mas maging personal ang iyong koneksyon sa Diyos. Isapamuhay ang mga aral na natutunan mo sa iyong buhay. Naisin din na ibahagi ang iyong mga natutunan sa iba upang sila rin ay makinabang. Sumama sa isang small group para sa pag-aaral at suportang espiritwal. Kung susunod ka sa mga hakbang na ito, mas madali mong mahahanap ang lakas ng Diyos, na nagdadala ng kapayapaan at kabanalan sa iyong buhay.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, tulungan Mo po akong maglaan ng oras araw-araw upang basahin at pag-aralan ang Iyong Salita. Bigyan Mo ako ng pag-unawa at gabay sa pagninilay sa mga talata. Nawa’y maisapamuhay ko ang mga aral at maipahayag ang Iyong kabutihan sa iba. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Joshua 17-18

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions