September 24, 2024 | Tueday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Mas Maranasan Ang Pag-Ibig Ng Diyos

Today's Verses:  Psalm 136:3-5  (ASND)

3Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. 4Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan. 5Sa pamamagitan ng kanyang karunungan, ginawa niya ang kalangitan. Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.


Read Psalm 136

Sa bawat pagkakataon na nagpapasalamat ka sa Diyos, nararamdaman mo ba ang Kanyang walang hanggan pag-ibig?


Ang Psalm 136 ay isinulat ni David at ipinagdiriwang ang walang hanggan na awa at pag-ibig ng Diyos. Binabalikan ng manunulat ang mga gawa ng Diyos sa paglikha, sa pagliligtas mula sa Ehipto, at sa paggabay sa ilang. Ito’y binibigyang-diin na ang pag-ibig ng Diyos ay mananatili magpakailanman.


Alam ng marami sa atin na mapagmahal ang Diyos. Batid din natin na mahal Niya tayo dahil kay Jesus. Ito ang magandang simula sa ating pagkilala sa Kanya, ngunit may mas malalim na anyo ng pakikipag-ugnayan na naghihintay sa atin. Mayroong hamon na umangat pa mula sa pangkaraniwang pagkakaalam patungo sa mas makulay at mas puno ng kahulugan na relasyon sa Diyos. Nasa kwento ng ating mga buhay ang mga mensahe ng Kanyang pag-ibig at kagandahang-loob. Marami sa ating mga karanasan ang nakasulat na sa Biblia. Ang ating mga kwento kasama ang mga katotohanan ng BIblia ay nagbibigay-liwanag sa ating mga pinagdadaanan. Nais ng Diyos na iparamdam sa atin ang Kanyang pagpapatawad at pagpapagaling sa pamamagitan ng Kanyang walang kondisyong pag-ibig. Kung sana'y mas mapagtuunan natin ng pansin ang Kanyang mga mensahe, mas madalas nating mararamdaman ang Kanyang presensya at pagmamahal sa ating mga buhay. Hatid nito ay tunay na mas mararanasan natin ang Kanyang kabutihan.


Mas kilalanin ang Diyos na mapagmahal. Yakapin ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ni Jesus. Huwag lang manatili sa pangkaraniwang pagkakaalam, kundi naisin at isagawa ang mas malalim na relasyon sa Kanya. Pahalagahan ang mga kwento ng iyong buhay ayon sa mga katotohanan sa Biblia. Sa mga ito ay matutuklasan mo ang pagpapatawad at pagpapagaling ng Diyos. Maglaan ng panahon sa Kanyang mga mensahe upang tunay mong maramdaman ang Kanyang presensya at kabutihan sa iyong buhay.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, salamat sa Iyong walang hanggan na pag-ibig at awa. Nawa'y gabayan Mo ako sa bawat hakbang ng aking buhay. Buksan Mo ang aking puso sa Iyong mga mensahe at tulungan akong maranasan ang Iyong presensya at kabutihan araw-araw.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Samuel 27-28

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions