September 23, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Mas Dakila Ang Diyos Sa Lahat Ng Diyos-Diyosan

Today's Verses:  Psalm 135:5-6  (ASND)

5Alam kong ang Panginoon ay higit na dakila kaysa sa alinmang dios-diosan. 6Ginagawa ng Panginoon ang anumang nais niya sa langit, sa lupa, sa dagat at sa kailaliman nito.


Read Psalm 135

Mayroon bang tao o bagay na mas pinagkakatiwalaan ko kaysa sa Diyos?


Sa Psalm 135, itinatampok ni Haring David ang kadakilaan ng Panginoon bilang makapangyarihan at natatangi. Isinasaad ni David ang mga gawa at kabutihan ng Panginoon, na higit sa lahat ng diyos-diyosan. Hinihimok niya ang mga tao na magpasalamat at magpuri sa Kanya sapagkat Siya ang nagbibigay ng buhay at pag-asa sa lahat.


Mahalaga ang usapin tungkol sa pagtitiwala, lalo na sa ating relasyon sa Diyos. Ang Diyos ang lumikha ng langit at lupa at nagbigay buhay sa atin, kaya't mahalagang alalahanin ang Kanyang kabutihan. Maraming tao ang nalilimutan ito, ngunit dapat nating suriin ang ating puso. Tanungin ang sarili: "Mayroon bang tao o bagay na mas pinagkakatiwalaan ko kaysa sa Diyos?" Ang sagot mo dito ay may malaking implikasyon sa ating stress, emosyon, at mga pagsubok sa buhay. Ang tiwala sa Diyos ay susi upang mapagaan ang ating mga pasanin at mapanatili ang ating pag-asa. Sa kabila ng mga hamon, ang ating pagtitiwala sa Kanya ay makatutulong sa atin na makapagpatuloy at lumago. Tara! Palaguin natin ang ating pagtitiwala sa Diyos at hayaan itong magdala ng kapayapaan sa ating mga puso.


Bigyan mo ng pansin ang usapin ng pagtitiwala – lalo na sa Diyos. Alamin mo ang Kanyang kabutihan at katapatan. Siya ang lumikha ng langit at lupa. Ipahayag mo na ang Diyos ang iyong tanging pinagkakatiwalaan. Isulat mo ang mga bagay na nagdudulot ng stress at emosyon sa iyong buhay. Ipanalangin mo ito sa Diyos. Hilingin sa Diyos na turun kang magtiwala at sumunod ayon sa pagtitiwala mo sa Kanya. Palaguin ang tiwala mo sa Diyos upang mapagaan ang iyong pasanin at makamit ang kapayapaan. Huwag kalimutan na Siya ang tunay na pag-asa. Huwag magtiwala o sumamba sa diyos-diyosan.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, Panginoon, salamat sa iyong kabutihan at katapatan. Tulungan Mo akong lumago sa pagtitiwala at pagsunod sa Iyo, kahit sa gitna ng mga pagsubok. Palayain Mo ako mula sa mga alalahanin at bigat sa aking puso. Ipagkaloob Mo ang kapayapaan at lakas na kailangan ko. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Samuel 25-26

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions