July 22, 2024 | Monday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Pagtugon sa Himala ng Kaligtasan
Today's Verses: Psalm 107:1–3 (ASND)
Magpasalamat kayo sa Panginoon, dahil siyaʼy mabuti; ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman. 2 Sabihin ninyo ito, kayo na iniligtas niya sa kamay ng mga kaaway. 3 Dahil tinipon niya kayo mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga.
Read Psalm 107
Gusto mo bang maligtas ng Diyos mula sa iyong mga problema at mga kasalanan?
Ang Psalm 107 ay isang salmo na naglalarawan ng pagliligtas ng Diyos sa mga Israelita habang sila ay naglalakbay sa ilang. Ipinapakita ng may-akda ang mga pagkilos ng Diyos na nagpapatupad sa kanyang mga pangako na patnubayan at iligtas ang kanyang bayan patungo sa isang masaganang lupain. Sa kanilang mga paghihirap at pag-iyak, tinugon sila ni Yahweh. Sa pamamagitan ng mga himala at kapangyarihan ng Diyos, nasaksihan ng mga Israelita ang kanyang katapatan at pagmamahal.
Ang Diyos ay may kapangyarihang gumawa ng mga himala sa pagliligtas. Tapat ang Diyos sa pagtupad ng kanyang mga pangako. May kapangyarihan siyang magbigay ng pagpapala at ipamalas ang mga himala. Ang pagliligtas ng Diyos sa atin ay tiyak. Kahit maliit ang iyong pananampalataya, maaari kang makatanggap ng pagpapala at himala mula sa Diyos. Kahit na limitado ang iyong kaalaman, hindi ito hadlang upang mas makilala mo ang tunay na Diyos. Ang Diyos ay matiyaga sa atin at mayroong maraming pagpapalang handang ibigay. Ang pinakamahalaga sa lahat, kaya Niyang magpatawad ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesus. Sa pamamagitan ni Jesus, maaari nating matanggap ang pinakamahalagang pagliligtas at pagpapala. Ang iba't ibang pagpapala ng Diyos sa ating buhay ay tunay na posible.
Tingnan mo ang iyong buhay. Nakatanggap ka na ba ng mga biyayang mula sa Diyos? Ilagay ang iyong sarili sa gitna ng pagpapala at pagliligtas ng Diyos. Natuklasan mo na ba ang espesyal na kahalagahan ng biyaya ng Diyos? Damahin ang kanyang presensya sa iyong puso. Siya ba ang nasa sentro ng iyong buhay? Kahit na hindi ka pa lubos na tapat sa Kanya, lubos siyang tapat sa iyo. Ihanda ang iyong sarili para sa isang buhay na mas tapat at puno ng pasasalamat sa Diyos.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, ikaw ay mahabagin at mapagmahal, salamat sa iyong walang-hanggang pagmamahal at pag-aalaga. Ipakita Mo ang iyong kapangyarihan sa pagliligtas at pagbibigay ng biyaya sa akin. Naway matagpuan ko ang biyayang handog Mo sa araw-araw. Patnubayan Mo kami ng iyong katapatan at kabutihan.
Sa ngalan ni Jesus, aming Tagapagligtas, Amen.
Pagninilay:
Ano ang mga himala at pagliligtas na ipinapakita ng Diyos sa iyong buhay?
Sa anong paraan mo nararamdaman ang presensya ng Diyos sa iyong buhay at paano ka niya tinutulungan sa iyong mga paglalakbay?
Paano mo natuklasan ang espesyal na kahalagahan ng biyayang handog ng Diyos sa iyo?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions