September 4, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Panalangin Para Sa Kapayapaan Ng Israel

Today's Verses:  Psalm 122:6–7 (ASND)

6Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem sa pamamagitan ng pagsasabi, “Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito. 7Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalem at kaunlaran sa palasyo nito.”


Read Psalm 122

Kailangan bang kasama sa prayers natin ang kapayapaan ng bansang Israel?


Sa Psalm 122, ipinahayag ang ligaya ng manunulat na si Haring David sa pagdating sa Jerusalem na itinuturing na mahalagang lugar. Siya ay nagsusumamo para sa kapayapaan at kaunlaran ng lungsod. Hinihikayat niya ang lahat na magdasal para sa kapayapaan para sa Jerusalem at maging sa kaginhawaan sa mga palasyo nito. Ang nais niya’y magpatuloy ang kasaganaan at seguridad ng bayan.


Mahalaga na paalalahanan tayo  na ang Jerusalem ay hindi lamang isang lugar. Ito rin ay isang simbolo ng ating espirituwal na pangarap at pangako ng Diyos. Tayo bilang tagasunod ni Jesus, mahalagang malaman natin ang malalim na kahulugan ng Jerusalem maging sa ating espiritwal na kalalagayan. May ligaya sa taimtim panananlangin para sa Jerusalem. Ang pananalangin para sa kapayapaan ng lugar ay nagpapakita ng koneksyon natin sa Diyos bilang lumalagong Kristiyano. Sa pag-unawa mo sa kahalagahan ng Jerusalem, magkakaroon ka ng mas malalim na pag-unawa sa iyong pananampalataya at kasaysayan. Kung gayon, magpapalakas ito sa iyong pagnanais para sa kapayapaan at pagkakaisa para sa iyong buhay at para sa kabuuan ng simbahan. Sa isang mundo na puno ng hidwaan, ang panawagan para sa kapayapaan ng Jerusalem ay nag-aanyaya tayo magsikap para sa pagkakaisa at pag-unlad sa loob ng pamilya at sa loob ng ating mga tahanan. Pagpalain ka ng Diyos sa iyong pagpapala sa Jerusalem.


Alamin ang espirituwal na kahulugan ng Jerusalem sa konteksto ng iyong pananampalataya. Maglaan ng oras sa pag-aaral ng mga kasulatan at mga aral na nauugnay sa Jerusalem upang higit mong maunawaan ang kahalagahan nito sa iyong espiritwal na buhay. Isalin ang kaalamang ito tungo sa isang taos-pusong pananalangin para sa kapayapaan ng Jerusalem. Ito ay hindi lamang pagpapakita ng iyong paggalang sa lugar, kundi pati na rin ng iyong koneksyon sa Diyos at sa iyong espiritwal na paglalakbay. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, salamat sa paalala sa kahalagahan ng Jerusalem bilang simbolo ng aming espirituwal na pangarap. Panalangin namin ang kapayapaan at kaunlaran ng lungsod na ito. Tulungan Mo kaming mas maging malalim ang kaunawaan sa aming pananampalataya at pagkakaisa.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Ruth 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions