September 1, 2024 | Monday 

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Tulong Ko Ay Nagmumula Sa Diyos

Today's Verses:  Psalm 121:1–2 (ASND)

1 Tumitingin ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo? 2 Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.


Read Psalm 121

Naranasan mo na bang umiyak at humingi ng tulong sa Diyos sa mga pinakamasalimuot na sandali ng iyong buhay?


Ang Psalm 121 ay isang panalangin ng pagtitiwala at pag-asa. Ang manunulat ay nagtatanong at sumasagot sa sarili, nagsasabi na ang Diyos ang nagmamasid at nagpoprotekta sa atin mula sa lahat ng panganib. Ang Diyos ay ang tagapag-alaga na hindi natutulog o nagwawagi.


Isipin mo ang mga oras na napapaligiran ka ng iba’t-ibang problema at hindi mo na alam kung alin ang unang dapat resolbahin. Kapag napapaligiran ka ng iba't ibang problema at tila nawawalan ng pag-asa, laging nariyan ang Diyos upang makinig sa iyong hikbi at dalangin. Hindi mo kailangang maging perpekto; ang kailangan mo lang ay ang paghingi ng Kanyang tulong. Sa bawat desisyon at pagsubok, kahit sa mga oras ng kahirapan, ang Diyos ay hindi nagtatago. Siya ang ilaw at liwanag sa iyong landas, ang nagmamasid at tagapag-alaga na hindi natutulog. Sa Kanyang mga kamay, ang lahat ng iyong pinagdadaanan ay may kahulugan at layunin. Siya ang tunay na pinagmumulan ng pag-asa, lakas, at kapanatagan. Sa bawat hikbi at panalangin mo, Siya’y tumutugon, nagbibigay sa iyo ng lakas at kapanatagan kahit sa pinakamasalimuot na sandali. Sabihin natin ng sabay-sabay na ang tulong natin ay nagmumula sa Diyos.


Magpakumbaba at huwag mahiyang humingi ng tulong sa Diyos. Kapag nahaharap ka sa malalaking pagsubok, huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa Diyos. Gamitin ang iyong pananampalataya sa Diyos bilang panimula. Hindi kailangan ng malaking pananampalataya. Ang kailangan ay maliit pananampalataya na nakatuon sa malaking Diyos. Tanggapin ang bawat pagsubok bilang bahagi ng mas malaking plano ng Diyos. Alamin na ang bawat pinagdadaanan mo ay may kahulugan at layunin, at ito ay nagtuturo sa iyo ng mahalagang aral sa iyong espirituwal na paglalakbay.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, sa oras ng pagsubok, ipakita Mo ang Iyong gabay at lakas. Bigyan Mo kami ng pananampalataya, kahit na maliit, na nakatuon sa Iyo. Tinatanggap namin ang bawat pagsubok bilang bahagi ng Iyong plano at layunin. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Ruth 1-2

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions