August 31, 2024 | Saturday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Magtiwala Sa Diyos Tungo Sa Kapayapaan

Today's Verses:  Psalm 120:1–2,7 (ASND)

1Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa Panginoon, at akoʼy kanyang sinagot. 2Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sinungaling. 7Ang nais koʼy kapayapaan, ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan, ang gusto nilaʼy digmaan.


Read Psalm 120

Sa panahon ngayon, may halaga pa ba ang pagtitiwala sa Diyos tungo sa kapayapaan?


Ayon sa manunulat ng Psalm 120, mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos para sa may-akda upang makaligtas sa mga mapanlinlang na tao. Sa kanyang pananaw, tanging ang Diyos ang nakapagbibigay ng tunay na proteksyon at kapayapaan mula sa mga kasinungalingan at pagkanulo na kanyang dinaranas.


Upang makamtan ang tunay na kapayapaan, kinakailangan mong magtiwala sa Diyos. Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng kasinungalingan at pagkakanulo, ang kapayapaan ay mahalaga. Kahit sa matinding pagdurusa ng pagiging tao na kailangangan makipagbuno maling impormasyon, umasa umasa ka pa rin sa Diyos para sa iyong kaligtasan at katarungan. Ang iyong pananalig sa Diyos ay nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob at kapanatagan sa gitna ng mga kaguluhan. Ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya ang susi sa pagkamit ng kapayapaan. Sa pagtanggap mo ng tulong ng Diyos, makakamtan mo ang tunay kapayapaan at katarungan. Kahit na ito ay labas sa iyong kontrol kaya pa rin itong ibigay ng Diyos dahil sa sukdulang biyaya ng Diyos. Ang mahalagang tanong ngayon ay “Ikaw ba ay may nararanasang kapayapaan sa iyong kalooban?”


Makipagniig sa Diyos. Kilalanin mo ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng paglaan ng sapat na oras oras araw-araw para sa panalangin at pagmumuni-muni. Sa taimtim na pananalangin, ipahayag mo ang mga alalahanin mo sa Diyos at hilingin ang Kanyang gabay. Gumamit ng mga talata mula sa Bibliya na nagpapalakas ng pananampalataya upang mapanatili ang iyong kapayapaan sa kabila ng mga pagsubok o kawalan ng katarungan.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, sa kabila ng mga pagsubok at kasinungalingan, hinihiling ko ang Iyong tulong para makamtan ang tunay na kapayapaan. Bigyan Mo ako ng lakas at kapanatagan sa gitna ng kaguluhan. Sa Iyong sukdulang biyaya, nawa’y matamo ko ang kapayapaan at katarungan. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Judges 21

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions