February 29, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Maalala Ang Paghahari Ng Diyos

Today's Verse: Psalm 22:27-28 (ASND)

27 Panginoon, maaalala kayo ng tao sa buong mundo, at sila ay manunumbalik at sasamba sa inyo, 28 sapagkat kayo ang naghahari, at namumuno sa lahat ng bansa.


Read Psalm 22 

May pag-asa pa rin sa tuwing makaramdam ng kawalan.


Si Haring David na sumulat ng Psalm chapter 21 ay nakaranas ng mga suliranin. Nakaramdan siya ng kawalan ng pag-asa. Hindi niya ito ikinaila. Ang kawalan na ito ang pilit na naglalayo sa kanya sa piling ng Diyos. Dumating sa punto ng buhay ni David na parang mas totoo ang mga batikos at dalamhati kesa sa sa Diyos. Dahil dito, naalala ni David ang paghahari ng Diyos. Kaya nanumbalik ang kamalayan at pananalig ni David sa makapangyarihang paghahari Diyos. 


Ang Diyos ay hari pa rin kahit sa kalagitnaan ng anumang problema na ating nararanasan. Ang Diyos ay hari na makapangyarihan. Lahat ng nangyayari sa mundo ay dadaan sa pahintulot ng Diyos. Gumagawa ang Diyos ayon pa rin sa Kanyang kabutihan at pag-ibig. Sa mga panahon na parang gusto na nating mag-give up, o sa panahon na mas nanaig ang kawalan ng pag-asa dahil sa problema, hindi pa rin tumitigil ang paghahari ng Diyos. Ang Psalm chapter 21 ay tumutukoy din sa paghihirap at sakripisyo ni Jesus. Nung siya’y nakapako sa krus at tigib ng paghihirap at pasakit, nabanggit ni Jesus ang mga salitang “Dios ko! Dios ko! Bakit nʼyo ako pinabayaan?”. Ang mga salitang ito ay mula sa Psalm chapter 21 verse 1. Naramdaman ‘by faith’ ni Haring David ang panghinaharap na sakripisyo na gagawin pa lamang ni Jesus. Si haring David ay ‘looking forward by faith’. 


Magbalik tanaw sa sakripisyong ginawa ni Jesus. Siyasatin ang ating sarili sa pananalig. Alamin natin kung tayo ay naaawa sa ating sarili, na halos nawawalan na tayo ng pag-asa at direksyon sa buhay? Tandaan, hindi mali na makaramdam tayo ng lungkot, takot, o kaya’y kawalan ng pag-asa. Alamin kung paano natin inaalala ang sakripisyo ni Jesus. Anuman ang ating nararanasang problema, kung tayo ay nasa Panginoon, nanalig sa Kanya, at sumasamba sa Kanya, kaya pa rin tayong iligtas ng Panginoong Diyos dahil siya ay Hari na makapangyarihan. 

Panalangin:

Aming Diyos Ama, ikaw pa rin ang Hari! Inaalala ko po ang Iyong pag-ibig sa akin, ang iyong mga pagliligtas, ang iyong kadakilaan, lalo na ang Iyong kapangyarihan. Patawarin mo ako sa mga pagkakataon na ang galawan ko ay papalayo sa Iyong pag-ibig. Salamat dahil si Jesus pa rin ang aking Diyos at Hari na mabuti at makapangyarihan.

Sa pangalan ni Jesus, Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions