May 21, 2024 | Tuesday | MAG-ALALA O MAG-ALAALA

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Mag-Alala O Mag-Alaala

Today's Verses: Psalm 77:11-13 (ASND)

11 Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. 12 Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa. 13 O Dios, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Dios na kasindakila ninyo.


Read Psalm 77

Ano ang pakinabang mo kung alalahanin mo ang mga gawa ng Diyos?


Ang layunin ni Asaph, katulad ng lahat ng manunulat ng Psalms, ay makalikha ng awitin para magamit sa Templo kapag may mga pagsamba. Sa Psalm 77 inihayag niya ang kanyang pag-alaala sa mga kabutihan ng Diyos. Bagamat may mga problema din siyang pinagdaraan, siya ay nagbulay-bulay at kanyang iniisip ang mga gawa ng Diyos sa buhay niya. Sa lahat, kanyang ipinahayag na mas may kabuluhan ang ‘meditating’ kesa ‘worrying’. 


Isang letra lang ang kaibahan ng pag-alaala sa pag-alala. Pero ang kaibahan ay kasinglaki ng daigdig. Maraming mabuting dulot ng pag-alaala sa mga gawa ng Diyos. Sadly, negatibo naman ang mga resulta kadalasan kung ang tao ay mag-aalala. Ang gawain pag-alaala ay siguradong kabutihan ang dulot sa sumasagawa. Kasamaan naman kung tayo ay mag-aalala. Ang gawain ng pag-alaala sa Diyos at sa mga gawa Niya ay nagdudulot ng kapayapaan at pag-asa. Ang gawain ng pag-aalala ay kaguluhan at kawalan ng pag-asa naman ang resulta. Sino nga ba ang hindi nangangailangan ng kapayapaan at pag-asa? Sino nga ba ang hindi gagawa ng pagnilay-nilay kung malalaman lamang na kapayapaan at pag-asa pala ang magiging resulta? Ngunit katulad sa maraming tao, maraming hadlang para magawa natin ito. 


It’s time na itigil ang labanan sa ating mga puso’t isipan at magsimulang magpakumbaba sa Diyos. Tanungin natin ang ating sarili: gusto ba natin talaga ang kapayapaan at pag-asa? Good news! Namimigay nito ang Diyos ng libre. Bad news! Maraming mga hadlang at may mga mukhang importante tayong dahilan kaya hindi natin magawa ang pag-alaala sa kabutihan ng Diyos. Kung alalahanin natin mabuti na tunay na walang ibang diyos na katulad ng Diyos, at kung ating pagbibigyan ang napapanahon na panawagan na ito, at maglaan tayo ng sapat na oras at atensyon, may pagbabagong makadiyos na malamang mangyari sa iyo sa mga susunod na mga taon.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, akoy tulungan Niyo na piliin ang mag-alaala ng iyong mga kabutihan kesa ang mag-alala dahil sa mga problema. Sakupin Niyo po ang aking puso at isip. Sa Iyo ko na po ipinagkakatiwala ang aking buhay. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Numbers 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions