May 20, 2024 | Monday

UVCC Daily Devotion

Harapin Ang Hamon Ng Buhay

Today's Verses: 1 Samuel 17:26 (ADB)

At nagsalita si David sa mga lalaking nakatayo sa siping niya, na nagsasabi, Ano ang gagawin sa lalaking makapatay sa Filisteong ito, at mag-alis sa Israel ng kadustaang ito? sapagka't sinong Filisteong ito na hindi tuli na siya'y humahamon sa mga hukbo ng buhay na Diyos. 


Read 1 Samuel 17

Tumutok ka sa gantimpala huwag sa humahamon


Sa kabataan ni David, may digmaan sa Israel laban sa mga Filistihanon. Si David na pastol ay inutusan ng kanyang ama na maghatid ng mga kagamitan at makakain sa kanyang mga Kapatid na mga sundalo. Nang dumating na si David sa kampo ng mga Israelita, narinig niya ang paghahamon ng isang higanting Filisteo na nagsabi na kung sino man makikipaglaban sa kanya at manalo ay magiging alipin ang mga Filisteo. Kung manalo ang Kampyon ng mga Filisteo ay aalipinin naman nila ang Israel. Sa sitwasyon na iyon, ang mga kahihinatnan ay talunin si Goliath at ang Israel ang uubos at hahabol sa mga sundalong kasama ni Goliath o di kaya'y matalo ang kampyon ng Israel at sila ang hahabulin ng mga Filisteo sa kabukiran. Matapos malaman ni David ang gantimpala sa pakikipagdigma Kay Goliath ay tinalo ito ni David at inialay ang ulo nito sa hari.


Hindi natin maiiwasan na matakot sa mga hamon sa buhay natin. Pero sa bawat pagsubok may dalawa tayong pagpipilian. Una, tatalunin ka ng kaaway at aalipinin ka nito habang buhay. O pangalawa, ikaw ang aalipin sa sumusubok sa iyo. Nang narinig ni David ang hamon ni Goliath, hindi nito tinanong kung ilang taon ng mandirigma sa Goliath, ang lakas niya, o talino niya. Tinanong ni David kung ano ang matatanggap kung maitumba niya ang kalaban. Gaya ni David, kung hindi mo tatalunin ang hamon sa iyong buhay ay aalipinin ka nito. In David's situation he asked for the reward not how deadly the enemy was. 


Lahat ng ‘challenges’ sa buhay natin ay may reward. Kung ikaw ay hinahamon ng pagsubok at problema, itanong mo kung ano ang matatanggap mo dahil minsan di pa nagsimula ang laban ay natalo na tayo. Kaya, huwag tayong magpa-overwhelm sa lakas at laki ng kalaban. You can choose your struggle: You defeat Goliath and make him your slave or be defeated by Goliath and become his slave for the rest of your life. Piliin ang magpapalaya sa iyo at sa ibang tao. Sa gayon, mabibigyan mo pa ng luwalhati ang Diyos.

Panalangin:

Panginoon, maraming salamat po sa paalala na tumutok ako sa matatanggap ko mula sayo. Salamat at tinuruan mo akong maging maalam na hindi dapat ako nakatuon sa lakas at laki ng pagsubok at problema sa aking buhay. 

Nagpapasalamat sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Number 1-2

 Written by: Cate Medina

Read Previous Devotions