March 12, 2024 | Tuesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Umawit Ng May Pasasalamat Sa Diyos

Today's Verse: Psalm 28:6–7 (ASND)

6 Purihin kayo, Panginoon, dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo. 7 Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin. Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso. Tinutulungan nʼyo ako, kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat


Read Psalm 28 

Maraming paraan ng pagpapasalamat sa Diyos. Ang pag-awit ay isa doon.


Si Haring David ay puno ay pagpupuri sa Diyos. Isa siyang mang-aawit para sa Diyos. Dumating sa buhay ni David na siya ay may pakiramdam na parang hindi nakikinig ang Diyos sa kanya. May times hindi niya feel ang awa at pagtulong ng Diyos. Paglipas ng panahon ng pagtitiyaga ni Haring David, nasabi niya pa rin na ang DIyos ang kanyang lakas. Nalalaman niya na na hindi tumitigil ang Diyos sa pakikinig sa kanya. Kaya lalo niyang ipinalangin sa Diyos ang mahal niyang bansa ng Israel.


Malaki ang kinalaman ng ating mga inaawit sa kalalagayan ng ating saloobin. Ang mga awit ay mga salita na may kasamang tono at emosyon. Depende pa sa tono at melody ng awit, ang mga salita na nakapaloob sa awitin ay naghahayag ng ating saloobin. Kung ang inaawit natin ay tungkol sa kabiguan, malamang may kabiguan tayo na ramdam natin. Kung masaya ang tono, melody, at lyrics ng awit, malamang tayo ay may sayang nararamdaman. Tayo man ay umaawit mula sa kalalagayan o pakiramdam natin, or nadadala lamang tayo ng beat at tono ng awit, o alinman sa dalawa, ang ating mga puso’t damdamin ay konektado pa rin sa tono at lyrics na ating inaawit. Ang awitin natin si Lord pa rin ang bukambibig. Pagkatapos ng bawat araw, pinakamainam pa rin na mapili ang mga awitin may pasasalamat sa Diyos. 


Suriin natin ang ating mga inaawit. Tanungin natin ang ating saril kung ilan sa mga inawit na ito ang para sa Panginoon. Ituloy ang paghayag ng ating pasasalamat sa Panginoon. Piliin natin ang ating mga inaawit. Mas awitin natin ang mga awiting puno ng pasasalamat sa Diyos Ang Panginoon ay mabuti. 

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ako’y umaawit ngayon ng may pagpapasalamat sa Iyo. Ito’y mula sa aking puso. Ikaw ay tapat sa amin. Purihin Ka sa aking mga awit. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 22-23

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions