October 12, 2024 | Saturday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

May Pag-Asa Dahil Sa Panginoon

Today's Verses:  Psalm 143:7-8 (ASND)

7Panginoon, agad nʼyo akong sagutin. Nawawalan na ako ng pag-asa. Huwag nʼyo akong layuan, baka akoʼy mamatay. 8Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin ang inyong pag-ibig, dahil sa inyo ako nagtitiwala. Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan na dapat kong daanan, dahil sa inyo ako nananalangin.


Read Psalm 143

Minsan ba, naiisip mong wala ka nang sapat na dahilan para magkaroon ng pag-asa?


Ang Psalm 143 na isinulat ni David ay nagsasalaysay ng kanyang mga pagdurusa. Dahil dito, binanggit ng manunulat ang kanyang pagnanasa para sa tulong ng Diyos. Sa kanyang mga panalangin, ipinahayag niya ang kanyang takot at pangungulila sa patnubay ng Diyos. Humihingi din siya ng ng awa at liwanag dahil sa kanyang madilim na sitwasyon. Sa kabila ng mga problema at pagsubok, nananatili pa rin kay Haring David ang matibay na pananampalataya at pag-asa sa Panginoon.


Maaaring maramdaman natin ang sakit ng kawalan ng pag-asa. Naalala natin na hindi tayo nag-iisa sa ating mga pagsubok. Kapag nahihirapan tayong makakita ng liwanag, may mga hakbang na nakalaan patungo sa pag-asa. Sa gitna ng ating mga alalahanin, andiyan ang ating Diyos para mahingan ng tulong. Kahit gaano kaliit ang ating pananampalataya nariyan palagi ang Panginoon. Andyan sa paligid ang mga palatandaan ng pag-asa na nag-aanyaya sa atin na patuloy na manalig sa Diyos. Sa bawat hakbang tungo sa liwanag, ramdam natin ang unti-unting pagbibigay ng lakas ng Diyos upang tayo’y magpatuloy. Minsan, ang mga maliliit na bagay ay nagbibigay ng pag-asa at nagpapalakas sa ating puso — anuman ang mga pagsubok.


Sa gitna ng mga pagsubok, huwag mawalan ng pag-asa. Lumapit sa Diyos. Ipahayag ang iyong mga takot at alalahanin. Tandaan, ang Diyos ng iyong panalangin ay may kapangyarihang magbigay ng liwanag sa iyong madilim na sitwasyon. Hanapin ang mga palatandaan ng pag-asa sa paligid na bigay ng Diyos. Laging nandyan ang Diyos ang Panginoon. Siya’y handang magbigay ng lakas sa iyong paglalakbay sa buhay. Huwag mawalan ng tiwala — patuloy na lumakad tungo sa liwanag na dala ng Panginoong Jesus.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, humihingi ako ng tawad sa mga pagkukulang ko. Sa gitna ng mga pagsubok, tinatanggap ko ang iyong pagkilos sa aking buhay. gawin mo akong responsable sa aking mga gawa at aking mga pananalita. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 2 Samuel 9-10

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions