August 24, 2024 | Saturday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Emosyon At Katotohanan Sa Pagsunod Sa Diyos

Today's Verses:  Psalm 119:135–136 (ASND)

135 Ipakita nʼyo sa akin na inyong lingkod ang inyong kabutihan, at turuan nʼyo ako ng inyong mga tuntunin. 136 Labis akong umiiyak dahil hindi sinusunod ng mga tao ang inyong kautusan.


Read Psalm 119:121-136

May malalim na lungkot ka bang nararamdaman kapag pansin mong may taong sumusuway sa utos ng Diyos?


Nararamdaman ng manunulat ang malalim na lungkot kapag may mga taong sumusuway sa utos ng Diyos. Sa Psalm 119:121-136, ipinapakita ng manunulat ang kanyang pagkabahala at pagluha dahil sa kawalang-galang ng mga tao sa mga kautusan ng Diyos. Ang kanyang kalungkutan ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa kalagayan ng buong bansa. Siya ay may pagnanais na makita ang sarili na sumusunod sa mga alituntunin ng Diyos dahil labis ang kanyang pag-iyak sa napapansing mga pagsuway sa Diyos.


Bilang tao, ang emosyon natin ay may mahalagang papel sa ating relasyon sa Diyos at sa kapwa. Natural na nagdudulot ito ng saya kapag tayo ay sumusunod sa Kanyang mga utos at lungkot naman kapag tayo ay hindi sumusunod. May koneksyon sa emosyon. Ang saya sa pagsunod ay nagpapalakas ng ating pananampalataya. May kalungkutan naman sa kawalang-galang sa Kanyang mga kautusan. Sa ganito naman ay may tunay na pag-aalala sa espirituwal na kalagayan ng ibang tao. Bilang karagdagan, hindi emosyon lamang ang nag-uudyok sa atin upang sumunod sa Diyos. Andyan din ang kahalagahan ng katotohanan dala ng Salita ng Diyos. Ito ay nagpapayaman sa ating pagdanas ng relasyon sa Panginoon. May tunay na pakikipag-fellowship sa Diyos. Pagsamahin ang emosyon at ang katotohanan. Ito ay nagreresulta sa mas malalim na pag-unawa at paggalang sa ating Panginoong Jesus.


Pagsamahin ang emosyon at katotohanan upang maging mas malalim ang relasyon sa Diyos. Unahin ang pag-alam sa Kanyang mga utos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia at pagtanggap ng mga prinsipyo nito. Kapag natutunan mong sundin ang mga utos ng Diyos, yakapin ang saya at kasiyahan na dulot ng pagsunod sa Diyos. Kung nagkakaroon ng kalungkutan dahil sa pagsuway, gamitin ito upang hikayatin ang sariuli at ang ibang tao na magbalik-loob sa Diyos. Ang ganitong patakaran ay nagpapalalim ng iyong pag-unawa at paggalang sa Panginoon.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, tulungan Mo akong gamitin ang aking emosyon upang mapalapit sa Iyo. Ibigay Mo sa amin ang saya sa pagsunod at kalungkutan sa paglabag sa Iyong mga kautusan. Isama ang Iyong Salita at damdamin para sa mas malalim na relasyon sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Judges 11-12

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions