August 23, 2024 | Friday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Ilaw At Liwanag Ng Salita Ng Diyos
Today's Verses: Psalm 119:105,109 (ASND)
105 Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan. 109 Kahit na akoʼy palaging nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan.
Read Psalm 119:105-120
Nabigyan na ba ng liwanag ng Salita ng Diyos ang iyong buhay?
Sa Awit 119:105-120, itinuturo ng manunulat na ang Salita ng Diyos ang nagsisilbing ilaw sa kanyang landas. Sa kabila ng mga pagsubok at panganib, matibay siyang sumusunod sa mga kautusan ng Diyos. May liwanag siya Nakahahanap siya ng lakas, kapanatagan mula liwanag na hatid ng Salita. Pansin ang kanyang malalim na paggalang sa Diyos dahil kinikilala niya ang katuwiran at kabanalan ng batas at alituntunin ng Diyos.
Kailangan natin ng gabay. Kailangan natin ang hatid na liwanag ng Salita ng Diyos. Kailangan natin ng mga tao na dadalhin tayo tungo sa kautusan ng Diyos. Kahit na tayo ay mga nasa gitna ng mga problema at alalahanin, andyan silang nagmamahal sa atin para ibalik tayo sa ‘ilaw’ ay ttayo’y maliwanagan. Halimbawa, kapag may isang tao na nalulumbay dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay, ang mga kaibigan at pamilya ay maaring magsilbing suporta na magpapaalala ng mga pangako ng Diyos. Sa mga oras ng pinansyal na problema, maaaring ang pastor ay magbigay tulong, mga dasal, at mga payo na batay sa aral ng Biblia. Andyan din ang mga magulang na liliwanagan ang kanilang mga anak ng payo mula sa Salita ng Diyos. Meron ding mga small group leaders na matiyagang nagbibigay ng pansin at gabay sa kapwa mananampalataya. Yan ang Salita bilang ilaw na nagliliwanag sa nadidiliman na buhay ng tao.
Sumali sa isang small group o Bible study para sa espirituwal na gabay at suporta. Sa grupong ito, magkakaroon ng pagkakataon na magkatulungan at magkabahaginan ng karanasan. Sa gayon, ang mga karanasan na ito ay maliliwanaagan batay sa Salita ng Diyos. Bilang magulang o tagapayo, gamitin ang mga aral ng Biblia upang magbigay ng makabuluhang payo. Siguraduhing ang mga prinsipyo ng Diyos ay makikita sa iyong salita at aksyon. Maglaan ng oras araw-araw para sa panalangin at pagbabasa ng Biblia. Ang regular na pagdarasal at pagninilay-nilay ay makakatulong sa iyo na manatili sa tamang landas ayon sa Kanyang mga kautusan.
Panalangin:
Aking Diyos Ama, gabayan Mo po ako ng iyong salita. Kami’y magbigayan ng makabuluhang payo batay sa Iyong Salita, manatili sa tamang landas sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin, pagbabasa, at pagninilay-nilay ng Biblia.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Bakit magkakatulungan upang mapanatiling nakatuon tayo sa mga prinsipyo ng Diyos sa panahon ng mga pagsubok?
Paano mo maiaangkop ang mga aral ng Salita ng Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions