February 6, 2024 | Tuesday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Pasasalamat Sa Diyos Sa Gitna Ng Panaghoy
Today's Verse: Psalm 7:17 (MBBTag)
Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan, aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.
Read Psalm 7
May pasasalamat na maaaring ialay sa Diyos kahit sa gitna ng panaghoy
Sa panahon ng kanyang panaghoy, si Haring David ay may pasasalamat pa ring alay sa Diyos. Sa kalagitnaan ng mga kaguluhan na dumarating sa kanya, si Haring David ay may pagsamba pa ring alay sa Diyos. Bagamat ramdam ni Haring David ang mga kasamaan sa paligid dahil sa gawain ng masasama, hindi pa rin ito naging hadlang upang si David ay sumamaba at magpasalamat sa Diyos.
Malaki ang pakinabang ng pagkakaroon natin ng pusong mapagpasalamat sa Diyos – lalo na mula sa mga lumalagong Kristiyano. Malaki ang kaibahan kapag tayo ay may puso na nakatuon pa rin sa Diyos kahit may mga kaguluhan tayong nararamdaman. Ang gusto ng problema ay agawan tayo ng kapayapaan. Ang gusto ng Diyos ay agawin tayo sa kawalan dala ng problema. Alam natin na ang kakulangan sa kapayapaan sa puso ay hindi kailanman nakakatulong sa isang tao – lalo kung hindi napapangasiwaan ng maayos. Ang malaking kalamangan natin sa problema ay may Diyos tayong pwedeng malapitan. Hindi Siya nao-offend kapag sinasabi natin sa Kanya ang anumang angal o hinaing natin sa buhay. Mas nais ng Diyos na ilahad natin sa Kanya ang ating sitwasyon. Kahit ikwento natin ito ng may emosyon, willing ang Diyos na makinig. Aakapin ka Niya.
Taglayin lagi natin ang pusong mapagpasalamat. Dalin natin sa Diyos ang iyong mga panaghoy. Anuman ang ating nararamdaman, best na una natin itong idulog sa Diyos. Malaking challenge ito kung hindi pa tayo sanay, Kaya dapat alamin natin ang tamang pag-’handle’ o pangangasiwa ng anumang problema na meron tayo. Hindi bawal na umiyak sa paanan ng Diyos. Bagamat pwede tayong kontrolin ng ating emosyon (negatively or positively), sa presensiya ng Diyos mas mauunawaan natin ang mga bagay-bagay.
Panalangin:
Mabuti Ka, aking Diyos Ama. Ikaw ang aking kapayapaan at kaayusan. Patawarin Mo ako sa aking mga kakulangan ng pagtitwala sa iyo. Sa panahon ng aking kahinaan, ako’y Iyong gabayan. Ipagtanggol Mo ako sa mga panahon na ang mga problema ay inuusuig ako. Naniniwala ako na Ikaw ay makatarungan. Aking iniaalay ang sarili ko sa iyo. Kasama na rin iniaalay ko ang aking mga hinaing sa buhay. Lahat ng ito ay aking isinusuko sa Iyo.
In Jesus’ Name, Amen.
Pagninilay:
Ang ang ibig sabihin ng panaghoy?
Ano ang ilan sa iyong hinaing sa buhay?
Papaano natin magagawa na idulog sa Diyos ang ating mga negatibong nararamdaman na hindi nagkakasala?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions