September 9, 2024 | Monday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Ang Magtiwala Sa Panginoong Diyos
Today's Verses: Psalm 125:1–2 (ASND)
1Ang mga nagtitiwala sa Panginoon ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag, sa halip ay nananatili magpakailanman. 2Kung paanong ang mga bundok ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem, ang Panginoon ay nasa paligid din ng kanyang mga mamamayan magpakailanman.
Read Psalm 125
Ikaw ba ay nakaramdam ng tunay na seguridad at kapayapaan sa iyong pagtitiwala sa Panginoon?
Ayon sa manunulat ng Psalm 125, inilalarawan ang mga nagtitiwala sa Panginoon bilang matatag at hindi natitinag tulad ng Bundok ng Zion. Ang Diyos ay nagbibigay ng proteksyon at seguridad sa Kanyang mga tao, na parang mga bundok na pumapalibot sa Jerusalem, nagsisigurong magtatagal ang kanilang kaligtasan.
Ang pagtitiwala sa Diyos ay isang mahalagang aspeto ng ating pananampalataya bilang mga tagasunod ni Jesus. Kapag tayo ay nagtitiwala sa Kanya, nagkakaroon tayo ng tunay na kapayapaan sa kabila ng mga pagsubok. Sa gitna ng mga alalahanin at kabigatan, nagiging kalmado tayo dahil alam natin na may plano ang Diyos para sa atin. Ang ganitong pagtitiwala ay nagdudulot ng kapayapaan sa ating isipan, sapagkat kahit na nakikita natin ang mga problema, nagkakaroon tayo ng pananampalataya na may solusyon ang bawat sitwasyon. Ito ay mahirap na prosesong, dahil nangangailangan ito ng pagtalo sa takot at duda. Ngunit, sa bawat hakbang ng pagtitiwala na napatutunayan ng pagsunod, natututo tayo na lalong magtiwala sa Diyos. Ang tunay na kapayapaan na dulot ng tiwala sa Diyos ay nagbibigay sa atin ng lakas upang harapin ang mga pagsubok nang may pag-asa, kapanatagan, at lumalagong pagsunod sa Diyos.
Magsanay na magdasal bago ang anumang desisyon. Bago gumawa ng anumang desisyon, maglaan ng oras upang ipagdasal ito at humingi ng gabay mula sa Diyos upang mapanatili ang kapayapaan sa isip. Gamitin ang Salita ng Diyos pagharap sa takot. Kapag nakakaramdam ng takot o duda, gumamit ng mga talata mula sa Bibliya upang palakasin ang loob at magpatuloy sa pagtitiwala sa Diyos. Makakaasa ka na paaalala sa iyo ng Diyos ang iyong mga nabasa at napag-aralan. Iadagdag na rin pagplano ng mga konkretong hakbang upang ipakita ang pagsunod sa Diyos, tulad ng pagdalo sa mga gawain sa church at maging ang paggawa ng mga humble duties sa church, sa bahay, at maging sa ating komunidad.
Panalangin:
Aking Diyos Ama at Panginoon, salamat sa Iyong walang kondisyong pagmamahal at biyaya. Bigyan Mo ako ng lakas at kapayapaan sa gitna ng mga pagsubok. Tulungan Mo akong magtiwala sa Iyong plano at humarap sa bawat araw ng may pag-asa at pananampalataya.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Bakit mahalaga ang pagtitiwala sa Diyos sa panahon ng pagsubok?
Ano ang mga konkretong hakbang na maaari mong gawin upang lumago sa pagtitiwala sa Diyos?
Paano mo maipapakita ang iyong pagtitiwala sa Diyos sa iyong araw-araw na buhay?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions