September 6, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Walang Kapantay Na Pagtulong Ng Diyos

Today's Verses:  Psalm 124:8 (ASND)

Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.


Read Psalm 124

Ang Diyos ba ang tunay na pinagmumulan ng walang kapantay na tulong para sa mga tao nananalig sa Kanya?


Sa Psalm 124, ipinapahayag ng manunulat ang pasasalamat sa Diyos para sa pagligtas sa Israel mula sa malubhang panganib. Ang mga kaaway ay may dalang pagwasak. Ngunit sa tulong ng Diyos, naiwasan ang kapahamakan. Ipinahayag ng manunulat ang tiwala at pag-asa sa proteksyon ng Diyos laban sa mga panganib.


Madalas nalalampasan ng ating pansin ang matyagang tulong ng Diyos na ibinibigay sa atin araw-araw. Sa gitna ng mga pagsubok at abala ng buhay, madalang nating nakikita ang mga biyayang tila maliliit na detalye—pero sa katotohanan, ang mga ito’y mahalagang bahagi ng ating araw. Ang bawat umaga na tayo ay nagigising pa, ang bawat pagkakataon na nakakahanap tayo ng kapayapaan sa gitna ng bagyo ng problema, ay hindi mga aksidente. Tinutulungan tayo ng Diyos sa bawat hakbang natin, kahit hindi natin ito nakikita o pinapansin. Napakahalaga ng patuloy na gabay ng Maykapal maging sa pag-abot ng ating mga pangarap. Tayo ay makatitiyak na ang Kanyang matyagang pag-aalaga sa sangkatauhan – lalo na sa Kanyang mga anak. Laging nasa ating paligid ang mula sa Diyos na higit pa sa anumang sukat ng pagpapahalaga na maaari nating ipakita. Ang pagtulong ng Diyos ay walang kapantay.


Kilalanin at pahalagahan ang lahat ng biyaya ng Diyos, maliit man o malaki. Ipagpatuloy ang pagpapahayag ng pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, paggawa ng kabutihan, o simpleng pagsasabi ng salamat araw-araw. Alagaan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga bisyo na sumisira sa katawan, na hindi pagpapahalaga sa buhay na ibinigay ng Diyos. Bigyang-pansin ang iyong kalusugan at magsikap sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Ipagkatiwala ang lahat sa Diyos at humingi ng Kanyang karunungan. Sa determinasyon at tiyaga, tandaan na ang kaalaman at pagpapala ng Diyos ay laging nasa iyong tabi.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, nagpapasalamat kami sa bawat biyayang Iyong ibinibigay. Tulungan Mo akong pahalagahan ang mga ito, alagaan ang aming sarili, mangarap at magtrabaho nang may determinasyon para sa aming mga pangarap. Ipagkatiwala namin ang lahat sa Iyo. 

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Samuel 3-4

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions