April 19, 2024 | Friday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Pag-Ibig Ng Diyos Na Hindi Kumukupas

Today's Verses: Psalm 52:8–9 (MBBTag)

8 Kahoy na olibo sa tabi ng templo, ang aking katulad; nagtiwala ako sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas. 9 Di ako titigil ng pasasalamat sa iyong ginawa, ang kabutihan mo'y ipahahayag ko, kasama ng madla.


Read Psalm 52

Anuman ang kaguluhan sa paligid, nakatanaw ang Diyos ng may pag-ibig na hindi kumukupas sa mga nagtitiwala sa Kanya.


Ang psalm chapter 52 ay panaghoy sa kung bakit may kasamaan sa paligid. Ito ang pagpapahayag ni David na inilapat sa isang awit. Alam ni David na dumarami man ang mga masasama sa paligid, ang Diyos ay may pag-ibig na hindi kumukupas. Naniniwala si David na ang kanyang kaingatan ay mula sa Diyos. Alam niya na may hustisya ang Diyos. Siya naman ay mananatili sa templo, magpapasalamat, sasamba at maglilingkod.


Ang pag-ibig ng Diyos hanggan sa panahon natin ngayon ay hindi pa rin kumukupas. Kailan man ay hindi ito kukupas. Ang Diyos ay tapat at karapat-dapat sa lahat ng na pasasalamat. Kung iisipin natin ang lahat ng kaguluhan sa paligid, lahat ng hindi magandang nangyayari, o di kaya ang kawalan ng kasiguraduhan at hustisya, tayo ay siguradong mawawalan ng pag-asa. Ngunit, kung tayo ay may pundasyon ng katapatan ng Diyos at naniniwala tayo sa pag-ibig ng Diyos na hindi kumukupas, siguradong iba ang magiging pananaw natin. Ang lumalagong kristiyano na may pananaw sa bukas na nakabalot sa walang kupas na pag-ibig ng Diyos ay may pag-asa mula sa Diyos, may pasasalamatan sa Diyos, sumasamba at naglilingkod sa Diyos.


Magkaroon ng pananaw na nakabatay sa pag-ibig ng Diyos na hindi kumukupas. Kung magkagayon, bagaman may mga kakaibang pangyayari sa paligid, ikaw na may tiwala sa Diyos ay hindi maaapektuhan. Magpatuloy ka ng sumasamba at naglilingkod sa Diyos. Ang pagsamba at paglilingkod sa Diyos ay magkasama palagi. Kung ang Diyos ang iyong sinasamba, Siya din ang iyong paglilingkuran. Kung iba ang iyong pinaglilingkuran, malamang na iba din ang iyong sinasamba. Kaya tayo ay maging tapat sa Diyos na may pag-ibig na hindi kumukupas.

Panalangin:

Dakilang Diyos Ama, salamat sa iyong pag-ibig na hindi kumukupas. Dakila Ka igit sa lahat. Turuan mo ang puso ko na sumamba sa Iyo at maglingkod sa Iyo. Ikaw ang aking Tagapagligtas. Ikaw ang aking Tagapagtanggol. Maraming salamat po sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Exodus 19-20

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions