August 19, 2024 | Monday
UVCC Daily Devotion
On the Book of Psalms
Tunay Na Lakas At Pag-Asa Sa Mga Pangako Ng Diyos
Today's Verses: Psalm 119:50–51 (ASND)
50 Ang inyong mga pangako ang siyang nagpapalakas, at umaaliw sa akin sa kahirapang aking dinaranas. 51 Palagi akong hinahamak ng mga hambog, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong kautusan.
Read Psalm 119:49-56
Feeling mo ba parang nauubos ang lakas mo sa mga pagsubok o pighati na iyong nararanasan?
Sa Psalm 119:50-51, sinasabi ng manunulat na ang Salita ng Diyos ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa at lakas sa gitna ng kahirapan. Ang kanyang mga kalaban ay nagiging matigas at hindi sumusunod sa Diyos, ngunit sa kabila nito, hindi siya nagwawagi. Ang mga pangako ng Diyos ay nagbibigay sa kanya ng kapayapaan at tibay, kahit na maraming pagsubok. Pinaaala ng manunulat ang kahalagahan ng palagiang pagtitiwala sa Diyos anuman ang kalagayan natin sa buhay.
Marami tayong nararanasan sa buhay na tila nauubos ang ating lakas at naaagaw ang ating pag-asa. Ang mga pagsubok ay parang bumabalot sa atin, tinatanggal ang sigla at determinasyon natin. Sa ganitong mga panahon, madali tayong nawawalan ng gana at halos mag-give up na. Ang panghihina at pagdududa ay tila sumisiksik sa ating isipan, at lumalakas ang boses na nagsasabing wala nang pag-asa. Ang desisyon na balewalain ang ating mga obligasyon at pananampalataya ay tila ang pinakamadaling desisyon. Ngunit hindi ito ang makadiyos na solusyon. Sa halip, ang pagpapasakop sa Salita ng Diyos ang magbibigay ng tunay na lakas at pag-asa. Ang Kanyang mga pangako ang nagsisilbing ilaw sa dilim. Sa ganitong paraan, natututo tayong magtiwala sa Diyos sa kabila ng lahat, at muling bumangon upang ipagpatuloy ang ating lakabayin ng pagsamba at pagsunod sa Diyos.
Maglaan tayo ng oras para sa taimtim na pagdarasal, humingi ng lakas at gabay mula sa Diyos. Magbasa ng Salita ng Diyos upang matanggap ang mga pangako ng Diyos na nagbibigay ng pag-asa. Isulat ang iyong mga dapat na ipapasalamat sa Diyos. Magpatuloy na maglingkod sa kapwa at magsagawa ng mga gawaing makapagpapalakas ng iyong pananampalataya. Ang mga hakbang na ito ay makakatulong sa atin na muling makahanap ng sigla at magpatuloy sa landas ng pagsamba at pagsunod sa Diyos.
Panalangin:
Diyos Ama, lumalapit po ako sa Iyo sa oras ng pagsubok at panghihina. Bigyan Mo ako ng lakas at pag-asa upang malampasan ang mga hamon. Nawa’y ang Iyong Salita ang magbigay gabay at sigla sa akin. Tulungan Mo akong magtiwala sa Iyong mga pangako at paniwalaan ang Iyong plano. Payapain Mo po ako.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
Pagninilay:
Mayroon bang kakaibang pakiramdam ang isang tao na nasa gitna ng mga pagsubok ngunit mayroong salita ng Diyos?
Paano natin maiaangat ang ating lakas at pag-asa kapag tila nawawala ito sa gitna ng mga pagsubok?
Written by: Gene Estrabon III
Read Previous Devotions