April 24, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Wait Lang, Lord?

Today's Verses: Psalm 56:12–13 (ASND)

12 Tutuparin ko, O Dios, ang mga pangako ko sa inyo. Maghahandog ako ng alay ng pasasalamat sa inyo. 13 Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa. Para mamuhay akong kasama kayo, O Dios, sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.


Read Psalm 56

Ang pangako ay nararapat na tuparin ng may alay ng pasasalamat.


Nang mapag-isip-isip ni David ang pagliligtas at kapangyarihan ni Yahweh sa gitna ng kanyang mga mapanganib na mga naranasan, ang naalala niya ay ang mga bagay na ito: nararapat niyang tuparin ang kanyang mga ipinangako sa Diyos; nararapat siyang mag-alay ng pasasalamat sa Diyos; nararapat siyang mamuhay ayon sa liwanag ng Diyos. Ang tigib nang takot na puso ni David, ay napalitan ng dedikasyon na tuparin ang pangako, maging mapagpasalamat, at masunod ang kalooban ng Diyos.


Maraming tao ang nakapagbitaw ng pangako sa Diyos – lalo kung problemado o nasa paghihirap. Ang pagliligtas o pagpapala sa iyo ng Diyos ay pahiwatig na tuparin mo na ang iyong mga pangako o ‘vows’. Minsan, nakakalimutan natin ang ating mga pangako sa Diyos kapag maalwan na ang buhay. Kaya may mga panahon na pinahihintulutan ng Diyos na dumating sa tao ang mga problema. Sa mga problemang ito, ang Diyos din naman ang gumagawa ng paraan para tayo ay iligtas – lalo na kung nasunod natin ang pamamahala ng Diyos. Sa ganitong mga panahon, maalala natin ang ating mga ipinangako sa Diyos. Kapag itoy nangyari, ang ibig sabihin ay nagpapahiwatig ang Diyos na panahon na para tuparin ang iyong binitawang mga pangako. Tandaan na ang ‘delayed obedience is disobedience’. 


Tuparin na ang iyong mga ipinangako sa Diyos. Alalahanin ngayong pa lamang na pagliligtas sa iyo ng Diyos ay malamang na pahiwatig na may pangako o ‘vows’ na dapat isipin at tuparin. Planuhin kung papaano tuparin ang mga pangako o ‘vows’. Humingi ng tulong kung kinakailangan Humanapt at makipag-isa sa ilan na mga kapatiran na makakatulong sa iyong pagtupad sa iyong mga pangako o ‘vows’. Isapuso ang pagsasagaw ng iyong mga pangako o ‘vows’. Bigyan galak ang Diyos sa Kanyang pagpapala at pagliligtas. 

Panalangin:

Diyos Ama, patawad sa mga naantala kong pagsunod sa iyo dahil sa kaabalahan ko, katamaran ko, o pagbalewala ko sa aking mga pangako. Ngayon, punuin Mo ang aking puso’t isipan ng sigla sa pagsamba at pagsunod sa Iyo. Salamat at hindi mo ako pinabayaan kahit sa gitna ng aking mga problema o dalahin.

Sa pangalan ni Jesus, Amen. 

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Exodus 27-28

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions