March 14, 2024 | Thursday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Shalom! Pinagpala Ng Kapayapaan At Mabuting Kalagayan

Today's Verses: Psalm 29:10-11 (ASND)

10 Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha. Maghahari siya magpakailanman. 11 Ang Panginoon ang nagbibigay ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan, at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.


Read Psalm 29 

Ang Diyos lamang ang pinanggagalingan ng legit na kapayapaan at mabuting kalagayan.


Alam at naranasan ni David ang kapayapaan at ang mabuting kalagayan mula sa Diyos. Sa kabataan pa lamang ni David, puno na siya ng tiwala kay Yahweh – ang Diyos ng Israel. Dahil diyan ay napagtagumpayan niya ang dambuhalang sundalo ng mga Filisteo na si Goliath. Sa kanyang pagiging sundalo, naabot niya ang pagiging heneral, nasakop ang mas maraming karatig lugar ng Israel. Kalaunay si David ay naging hari ng buong Israel. Sa lahat ng kanyang tagumpay, si Yahweh pa rin ang kinikilala niyang pinanggagalingan ng kapayapaan at mabuting kalagayan.


Lahat ng tao ay kailangan ng kapayapaan at mabuting kalagayan. Ang Panginoong Diyos lamang ang meron niyan. Tayo ay may kanya-kanyang mga paghihirap, pagtitiis, o problema sa buhay. Ang mga ito ay nagpapatunay kung may legit tayo na kapayapaan. Kung angal ang ating negatibong sagot, negatibo din ang epekto nito sa atin. Kung tiwala naman ang ating positibong tugon, may magandang dulot naman ang mga ito sa atin. 


Pansinin natin kapag mas dumarami ang ating paghihirap, pagtitiis, o problema sa buhay. Ibig bang sabihin nito ay nawawalan tayo ng legit na kapayapaan at mabuting kalagayan. Magtiwala pa rin sa Diyos anuman ang mga paghihirap, pagtitiis, o problema. Kapag may mga pagsubok man na nagsasabi na tayo pala ay may may kulang pa sa buhay. Patunayan natin sa mga tao sa paligid na iba na tayo. Ito ang mga nararapat na tugon.\

Panalangin:

Aking Diyos Ama, ako po ay tumutugon sa iyong panawagan na magtiwala sa Iyo. Dakila ka O Diyos. Higit ka kaninuman. Ikaw lamang ang pinanggagalingan ng mahalaga at nararapat sa buhay. Turuan Mo akong lalong magtiwala pa sa Iyo.

Sa pangalan ng Iyong anak na si Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: Genesis 24-25

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions