September 25, 2024 | Wednesday

UVCC Daily Devotion

On the Book of Psalms

Ang Awit Ng Panginoon

Today's Verses:  Psalm 136:3-5  (ASND)

3 Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin. Inuutusan nila kaming sila ay aliwin. Ang sabi nila, “Awitan ninyo kami ng mga awit tungkol sa Zion!” 4 Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon sa lupain ng mga bumihag sa amin?


Read Psalm 137

Naramdaman at naisip mo ba kung ano ang dahilan sa likod ng mga kantang inaawit mo?


Sa Psalm 137, ang mga Israelita, na bihag sa Babilonya, ay nagtatapat ng matinding kalungkutan at hindi makapag-awit ng masaya. Ang kanilang mga alaala ng Israel ay nagdudulot ng pasakit, na nagpapakita ng malalim na ugnayan sa kanilang pagkatao at sapilitang pag-alis mula sa kanilang tahanan.


Anuman ang ating napiling awitin, may direktang koneksyon ang mga ito sa ating nararamdaman at maging sa ating pinaniniwalaan. Ang musika ay isang makapangyarihang daluyan ng emosyon at alaala. Ang bawat tono at lyrics ay nagsasalaysay ng ating karanasan at pinagdaraanan. Ang mga ito’y nagsisilbing boses sa mga damdaming madalas ay mahirap ipahayag. Dapat nating piliin ang ating musika at ang mga lyrics nito. Laging tiyakin na ang mga ito ay maka-biblia. Mag-ingat tayo lalo sa mga awiting praise & worship na inendorso ng mga huwad na guro o may halong bagong katuruan. Hindi tayo dapat malinlang o maligaw ng mga ito. Sa bawat awit, naipapahayag natin ang ating mga pangarap, takot, at pag-asa. Kaya’t nagiging mahalagang bahagi ng ating pagkatao ang musika. Sa pamamagitan ng musika, nakakahanap tayo ng koneksyon sa Diyos na nagbubukas ng pinto para sa mga galawan ng Diyos.


Pumili ka ng mga awitin na makadiyos. Tiyakin na ang mga lyrics ay nakaangkla sa mga biblikal na prinsipyo. Mag-ingat sa mga awiting pang-pagsamba na inendorso ng mga bulaang guro o may halong new age teaching. Huwag hayaang maligaw o malinlang. Gamiting ang musika para ipahayag ang iyong pananampalataya at iyong pag-asa. Gamitin ang musika bilang tulay sa iyong koneksyon sa Diyos. Maging mapanuri sa mga awitin. Gawing mahalagang bahagi ng ating buhay ang musika na tunay na nagpapalakas sa iyong espiritu at nagbubukas ng pinto sa mas malalim na pag-unawa sa kalooban ng Diyos.

Panalangin:

Aking Diyos Ama, tulungan Mo kaming pumili ng mga awitin na nakabatay sa Iyong Salita. Bigyan Mo kami ng karunungan upang makilala ang mga huwad na mensahe. Hayaan Mo ang musika maging daan sa aming pananampalataya at mas malalim na koneksyon sa Iyo. Amen.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.  

Pagninilay:

The Bible in 1 year: 1 Samuel 29-30

 Written by: Gene Estrabon III

Read Previous Devotions